Chapter 3

1767 Words
Naalala ko naman bigla na hindi pa nga rin pala ako kumakain kaya nagtungo na 'ko sa ref para kumuha ng makakain. At kukuha na sana ako nang maalala... "Bilang ko ang mga pagkain sa bahay na 'to, alam ko ang mga mawawala, so don't you dare na kumuha ng kahit ano sa mga pagmamay-ari ko, naiintindihan mo? Wala akong pakielam kung magutom ka! Tandaan mo, simula nang niloko mo 'ko, wala ka nang karapatan sa lahat ng makikita mo sa bahay na 'to." Paulit-ulit na nage-echo sa isip ko ang sinabi noon ni Matteo kaya unti-unti ko ring isinarado ang ref. Siguradong sasaktan na naman kasi niya ako kapag pinakielaman ko ang mga hindi 'akin'. Nilunok ko na lamang ang sariling laway. Ano'ng pwede kong kainin ngayon? Gutom na gutom na ako. Bumalik ako sa living room na dala ang isang baso ng tubig. Umupo muna ako sandali sa couch para magpahinga. Hindi ko na lang pinansin ang aking gutom kahit gustong-gusto ko na talagang kumain, tubig na lang muna. Mabubuhay pa naman ako kahit tubig lang ang laman ng tiyan ko. Ilang minuto akong tulala, nang bumalik ako sa huwisyo ay doon nagawi ang aking tingin sa labas, papalubog na pala ang araw. Mapait akong napangiti, dati-rati kasi ay sa tuwing titingin ako roon ay excited ang pakiramdam ko dahil ibig sabihin lang no'n ay magga-gabi na hudyat na malapit nang umuwi ang asawa, pero ngayon ay wala na akong maramdaman na excitement, takot at pangamba na lamang ang nararamdaman ko ngayon sa tuwing darating siya ng bahay. NANG mag alas siete na ng gabi, ang natirang kanin kaninang umaga ay siya munang kinain ko. Hindi na rin ako nagrereklamo pa kahit wala akong ulam. Hindi ko na talaga kayang hindi punan ang tiyan ko, eh, baka mahilo at mahimatay na 'ko rito kapag nagpalipas pa lalo ako ng gutom. Hindi naman siguro pati kanin ay bantay sarado ni Matteo, ano? Malayo na niyang mapapansin 'yon, at pati ba naman 'yon ay ipagdadamot pa niya sa akin? Gusto ba talaga niya akong mamatay sa puder niya? Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko, sa maids quarter. Mataimtim ako na nagdasal doon na sana bumalik na sa dati ang asawa ko. Na sana magkaroon siya nang malawak na pang-unawa sa akin at sa mga bagay-bagay para matututunan niyang makinig sa aking mga paliwanag. Baka hindi gutom ang ikamatay ko rito, baka ang mga masasakit na salita niya na tumatagos sa aking puso ang siyang dahilan ng panghihina ko. Ilang oras pa akong nanatili sa kwarto at lalabas na sana nang marinig ko ang ingay mula sa labas. Dinikit ko ang aking tenga sa pinto para mas marinig ang mga nagsasalita. Malakas din kasi ang boses kaya rinig na rinig ko sila mula sa kinaroronan ko. And I confirmed it, it's Matteo's voice and... a girl? Dahil sa kuryosidad at para makumpirma ang narinig ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka pasimpleng naglakad at sumilip sa labas. At nang makita ang nangyayari, napasinghap ako nang makita si Matteo na nakikipag-halikan sa ibang babae na labas na halos ang kaluluwa dahil sa kanyang suot na damit. Nag-uumpisang mamuo ang aking mga luha sa aking mga mata sa aking nasasaksihan. Ngunit bakit ba ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagdurusa ng ganito? Ano'ng ginawa kong mali? Hindi ko naman siya niloko. At ito nga siya, oh, sino ang nagloloko sa aming dalawa ngayon? Nang hindi ko na maatim pa ang nakikita dahil mas nagiging mapusok na sila sa kanilang paghahalikan, nilapitan ko na sila at sinampal nang malakas ang babae nang itulak ko siya palayo sa asawa. "Walanghiya kayo!" sigaw ko sa kanya saka dinuruan pa siya. Hawak naman niya ang pisnging sinampal ko nang balingan ako. At tulad nga ng inaasahan ko, galit na galit ang kanyang mga tingin, tila ba ano mang oras ay susugurin na niya ako para gumanti. Nakipagtagisan ako ng tingin. Bagay lamang sa kanya ang aking ginawa. Mga baboy sila! Walang respeto! Sa pamamahay pa talaga namin nila 'to ginawa! Nasaan ang respeto mo, Matteo? Nasaan?! "How dare you to do that to her?!" Matteo yelled at me. And then in just a few seconds, I felt his warm hand in my cheek, he slapped me and pushed me on the floor. Gulat ko siyang binalingan habang hawak ang aking labi na dumudugo na dahil sa malakas niyang sampal sa akin. Para yatang mahihilo ako sa kanyang ginawa, parang umikot ang aking paningin sa sobrang lakas ng kanyang pwersa. I can't believe all of these! Nagagawa na talaga niya akong saktan, natitiis niyang saktan ako ng pisikal. "B-bakit mo b-ba ako gina-ganito, Matteo?" tanong ko at sandaling tumigil sa pagsasalita, para kasing kinakapos ako ng hangin sa kanyang sampal na ginawa. "K-kailanman, h-hindi kita pinagtaksilan, alam ng Diyos 'yan! Pero, ikaw, ikaw 'tong sumira sa relasyon natin dahil ikaw 'tong nangangaliwa at hindi ako! Ang lakas ng loob mong akusahan akong niloko kita, eh, ikaw nga 'tong may kasama ngayon sa mismong pamamahay pa natin habang kahalikan pa siya! Walanghiya ka! Walanghiya kayo!" Buong lakas akong tumayo at sinugod siya pagkatapos. Ilang beses ko siyang pinaghahampas sa dibdib niya ngunit walang kahirap-hirap niya lamang muli akong tinulak nang malakas. "You b***h! Bagay lang 'yan sa 'yo! Hmmp! Tara na nga, babe, hayaan na natin 'yang asawa mong malandi!" rinig kong sabi no'ng babae. Mapakla naman akong natawa sa gitna ng aking pag-iyak. Malandi? Sino bang kumabit sa may asawa na? Ako pa talaga ang malandi ngayon, ha? Ako pa talaga ang tatawagin niya ng gano'n? Sino ba siya? Ang kapal ng mukha niya! Walanghiya silang dalawa! Napaka walanghiya nila! "Let's go, hayaan na natin siya riyan," rinig kong wika naman ni Matteo saka na sila naglakad patungo sa taas. Talagang gano'n-gano'n na lang 'yon? Parang wala lang sa kanya? Seryoso ba talaga siya? Talagang babastusin nila ako nang harap-harapan? Hindi ba talaga siya magigising sa mga sinabi at paliwanag ko sa kanya? Kumuyom ang aking mga palad sa galit habang naririnig ang malanding sagutan nila. Pati ang kababuyang ginagawa nila ay dito pa talaga nila dinala! Nandidiri ako! At galit din sa aking sarili, dahil hindi ko rin dapat hinayaan na ganunin ako ni Matteo! Ako ang naaawa sa sarili ko. Pero anong magagawa ko? Siguro nga ay kailangan ko na talagang umalis dito. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Hindi ko na kaya pang magtagal dito. Kahit mahal na mahal ko pa rin siya, may respeto pa naman ako para sa sarili ko. Kung hindi niya ako marespeto, at least, ako, ako ang magbibigay no'n para sa aking sarili. Hindi na sila nahiya at dito pa talaga nila ginagawa ang kahayupan nila! Pero, bakit? Bakit, Matteo? Sobra ka na! Hindi ko kailanman naisip na magagawa mo akong saktan nang pisikal! At mas lalong hindi ko naisip na papatol ka sa ibang babae at sasaktan ang puso ko nang ganito! I thought, you love me? Where is that love now, Matteo? Nasaan ang isinumpa mo sa Diyos? Nasaan na ang mga pangako mo sa akin? Nasaan na ang lahat ng 'yon?! Nasaan na? You ruined everything! You broke your promises! You hurt me! I hate you for doing this to me! Bakit ngayon ko lang napagtanto ang lahat? Dapat ay matagal ko na siyang iniwan, dapat una pa lamang. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya na pakisamahan pa siya nang matagal. Sobra na ang sakit na nararamdaman ko, hindi ko na alam pa kung paano 'yon maghihilom. Tumayo na ako at tumakbo sa maids quarter. Magdamag akong nagkulong doon. Umiyak buong gabi habang naririnig ang mga ungol nila na siyang ibig sabihin ng kataksilan ng asawa ko sa akin. Gusto ko na lamang na maging bingi nang mga oras na 'yon dahil napakasakit sa akin na marinig nang harap-harapan ang kababuyan nila. Hindi lang ako pinapatay ni Matteo, kung hindi paunti-unti ay papira-piraso niya rin akong winawasak. KINABUKASAN parang hindi ko mamulat nang maayos ang mga mata ko dahil sa kakaiyak simula kagabi. Ang sakit ng mga 'yon at sobrang hapdi. Ngunit walang mas hahapdi sa sakit ng damdamin ko. Halos wala akong tulog, hindi ko na alam kung anong oras na 'ko dinalaw ng antok kanina, siguro ay mga 4 am na. Ngayon ay 6:30 na, nagising lamang ako sa alarm clock ko. At ang unang pumasok sa aking utak pagkagising ay ang asawa. Kumusta kaya sila? Nagpakasaya ba siya sa kataksilan niya? Nag-enjoy ba sila habang ginagawa nila 'yon? Hindi man lang ba talaga sila nakaramdam ng konsensya? Hindi man lang nakaramdam ng hiya? Huwag ka nang umasa pa, Savannah. Lumabas na ako ng kwarto saka dumiretso sa tabi ng hagdan. Nakita ko kasing wala na ang kotse sa labas ni Matteo, ibig sabihin ay umalis na siya? Gano'n nga siguro. Siguro naman din ay wala na ang babae niya sa taas kung pumasok man ako ro'n sa kwarto, ano? Baka ay iniwan niya pa 'to roon, makakasakit talaga ako lalo kapag nagkataon. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago dahan-dahan na pumanhik sa itaas. Ayoko sanang maging emosyonal, pero nararamdaman ko na namang muli ang kirot sa aking dibdib, naninikip 'yon na siyang dahilan ng pagbagal ko sa aking paglalakad. Nang nasa tapat na ako ng pinto at pipihitin ko na ang seradura, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nangingilid ang aking mga luha sa aking madadatnan. At napakagat na lamang nga ako sa aking labi nang makita ang nagkalat na condom sa lapag na hindi pa nila nalilinis pati ang underwear at damit niya na pakalat-kalat sa sahig. And even the bed, is also a mess. Parang pinangyarihan ng isang gyera ang buong kwarto. Nakalawlaw ang comforter sa lapag kasama na rin ang mga unan. May mga gamit pa na nakatumba sa may lapag. Nakakadiri sila! Nakakasuka ang ginawa nila! Mga wala silang hiya! "Argh!" Tinabig ko ang mga gamit na makita ko sa loob ng kwarto. Nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan no'n. Kahit dito man lang, mailabas ko ang sama ng aking loob. Kahit dito man lang, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Ilang oras muli akong umiyak. Parang gripo na nga ang aking mga luha dahil maya't maya 'yon kung tumulo. Nang mapagod, walang buhay kong inayos ang kwarto. Pinulot ko ang mga damit niya at inilagay sa lagayan ng maruming basket. Ang kama ay akin ding inayos, pinalitan ko ang comforter at ang mga unan. Inayos ang mga nagkalat na gamit. Nilinis ang sahig. Nag-vacuum. Hanggang sa bumalik muli sa dating ayos ang kwarto namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD