Psh! Ako? Magseselos? Hindi ko naman siya gusto at magkaibigan lang kami, so paano ako magseselos? Gusto ko na lamang siyang tawanan dahil malabong mangyari 'yon, hindi ako magseselos dahil wala naman akong dapat na ikaselos in the first place. "That will not gonna happen, Josh. Why should I be jealous?" I laughed softly. "Ok, then. Let's see," nanghahamon niyang sambit pagkatapos ay iniwan na ako at bumalik na sa living room. Napailing na lamang ako sa kanya. He's really that confident, huh? Bahala siya, 'di ko naman papatulan ang sinasabi niya. Ok na ako na napapayag ko siyang bigyan niya ng chance si Daphne. Wala akong ibang ginawa sa mga lumipas na oras kung kaya't naisipan ko na lang na mag-ayos ng mga bulaklak. Para rin mapalitan na 'yong mga ibang naka-display sa bahay, lanta na

