LUMIPAS ang ilang oras at hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko kasi makalimutan ang naging tagpo namin kanina ni Duke. Gumugulo sa isipan ko kung paano ito umasta kanina, parang bang may pagmamay-ari siyang nais makuha at... ako 'yon. Pero hindi ako kanya. Sino ba siya? Nag-s*x lang kami, and it's just a mistake, walang ibig sabihin. Masyado naman yatang makapal ang mukha niya para magpakita sa akin at sabihing 'kanya ako'. Nagpagulong-gulong ako sa kama ko, inaasahan na aantukin ako pero hindi. Ugh! Bakit ba hindi ako makatulog?! Ang saya-saya na ng araw ko kanina dahil tuluyan kaming nagka-ayos ni Savvanah pero ito namang walanghiyang Duke na ito, ginulo ang isip ko, binulabog ang sistema ko. Damn! Huwag na huwag lang siyang magpapakita sa akin ulit kung hindi ay mahahanap niya ang hin

