"I like you and I want to court you," deretsong saad nito. Napaawang ang labi ko at sandaling hindi nakapagsalita, prinoseso ko ang sinabi niya. He wants to what? Court me— no! "Hibang ka na ba talaga? May nanliligaw bang nangingidnap, ha?!" Hindi ko alam kung may saltik ba siya o ano. Ano bang mga pinagsasasabi niya? Kagabi ay 'kailangan' niya raw ako at ngayon naman gusto niya ako at gusto niya akong ligawan? He's crazy! Ano bang nainom ng lalaking 'to at pilit niya akong ginugulo? Nakakainis na talaga siya! I have run out of patience with him! "I. DON'T. CARE!" I said emphatically. "Get out of my way!" I pushed him but then, he cornered me on the wall. Halos mapasinghap ako sa sobrang lapit ng mukha niya pero siya, parang wala lang sa kanya bagkus, gusto pa nito ang posisyon naming da

