"AKO na, Duke!" walang emosyong wika ko rito nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Naiirita ko itong tinignan nang tuluyang makalabas ng kotse niya. Kanina pa ako naiirita sa sobrang pagiging malapit niya sa akin, daig pa niya ang isang boyfriend! At ang lalo pang nagpadagdag ng inis ko, kung hindi ko raw ito hahayang ihatid niya ako sa bahay ko ay hindi ako puwedeng umalis ng mansion niya kaya ending, wala akong ibang choice kung hindi ang hayaan siyang ihatid ako. Ayoko naman magtagal sa bahay niya, kaya kahit labag sa loob ko ay hinayaan ko na lamang ito sa kondisyon niya. "Siguro naman, sapat na ang nangyari kagabi. Titigilan mo na siguro ako no'n, ano? You want me—mali pala, gusto mong makipag-s*x sa akin. I gave what you want, maybe I'm free now, right?" sarkastikong saad

