"MUKHANG masaya ang asawa ko, ha?" Sabay akap ni Josiah mula sa aking likod at sinuksok ang ulo sa aking leeg. "Hmm, sino ba namang hindi sasaya? Ang tagal kong hinintay na makita si Gina," nangingiting tugon ko rito at hinarap siya. Sumandal ako sa dibdib niya at ipinalupot ang mga kamay sa kanyang baywang. "Akala ko, hindi ko na siya makikita pa pero, siya pa ang nagpunta sa bahay natin para humingi ng kapatawaran. Hindi ko man inaasahan but it happened, Josh." Buong saya ko siyang tiningala. Abot-langit ang saya ko ngayon. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Noong isang taon, napakawalan ko ang galit ko kay Matteo at ngayon, tuluyang nawala ang tinik ng nakaraan sa aking puso nang magpunta mismo si Gina dito sa bahay para humingi ng dispensa. Nagulat man ako nang una but behind t

