Chapter 56

1119 Words

1 month after... "A-argh!" Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Tuluyan pa akong napabangon nang maramdamang bumabaliktad ang sikmura ko kaya mabilis akong nagtungo sa banyo. Nagduduwal ako roon nang makarating. Pakiramdam ko nga ay mapapasok ko na ang ulo ko sa loob ng toilet bowl. "S-Sav? What's happening, huh? Anong nangyari?" Narinig ko mula sa labas ang nag-aalalang boses ni Josiah. Humahangos itong nagtungo sa kinaroronan ko at hindi makandaugaga kung saan niya ako hahawakan nang tuluyang makalapit sa akin. Gusto ko sana siyang sagutin ang kaso ay duwal pa rin ako nang duwal. "A-are you ok, huh? Tell me, I'm worried, Sav!" muli nitong pagtatanong nang hindi ko siya sagutin. Dinungaw pa ako nito sa aking tabi habang hawak ang buhok ko para hindi sumayad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD