"Wife, I'm not okay with that," nakabusangot na wika ni Josiah. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagka-disgusto nito sa balak kong gawin. Sinabi ko kasi ritong gusto ko nang bumalik sa trabaho ko sa pagb-bake. Ang tagal na rin kasi nang natigil ako sa trabaho kong 'yon. Isa pa, gusto ko namang may iba akong mapagka-abalahan ngayong buntis ako kaya ako nagpupumilit ngayon at nang payagan niya ako. Ayoko naman na nakahiga na lamang ako lagi sa kama. Gusto ko rin namang may gawin para hindi ako mabagot dito sa bahay kapag nasa kumpanya ang asawa ko. Minsan sumasama naman ako sa kanya para hindi ako ma-bore rito kaya lang, kapag nandoon ako ay nasa akin na lang ang buo niyang atensyon, hindi na siya nakakapag-pokus sa trabaho niya sa tuwing nandoon ako. So madi-distract ko lang siya lagi roon

