NANG makabili na ako ng mga ibang gamit na kakailanganin sa bakery ay agad ko na ring inayos ang shop. Mula sa dekorasyon, sa mga kailangan ilagay sa menu at pag-hire ng mga ilang tauhan. Pero kasama ko si Jean sa pag-aasikaso sa lahat, may mga suggestions ito na siya namang laging approve sa akin. Siguro ay dahil pareho kami ng taste sa lahat kaya madali na lang sa akin magustuhan ang mga sinu-suggest niya. Nasabi ko na rin kay Josiah ang tungkol sa pakikipagsosyo ko sa isang kaibigan, at si Jean nga 'yon. Hindi pa niya ito kilala pero sabi ko naman ay sa susunod na hindi na siya busy ay ipapakilala ko ito sa kanya. Pero ikinagagalak ko naman na masaya naman ito para sa akin, kung ano raw ang desisyon ko ay suportado ito. Basta lang ay sundin ko lagi ang mga habilin niya sa akin at 'yon

