Kasalukuyan akong paakyat ng hagdan para magtungo sa kwarto namin ni Josiah nang bigla akong matigil sa paglalakad dahil binundol ako bigla ng kaba. Napalunok ako at napahawak sa kaliwang dibdib ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko at parang bigla ay hindi ako makahinga nang maayos. Anong nangyari? Bakit... bakit bigla akong kinabahan ng ganito? Inalis ko ang pangambang naramdaman ko at nagpatuloy nang pumahik sa itaas. Tatawagan ko kasi si Josiah para tanungin ito kung pauwi na ba siya, eh, wala pa kasi ito, eh. Excited na kasi akong umuwi siya. Kanina nga ay gusto ko na siyang puntahan sa opisina niya kaya lang ay mainit sa labas at baka mahilo ako bigla at makasama pa 'yon sa amin ni baby kaya nag-stay na lang ako rito sa bahay at hinintay na lamang ang oras ng pag-uwi niya. Kinuha ko an

