Chapter 60

1310 Words

"JOSH!" Napabalikwas ako sa masamang panaginip na 'yon. Agad kong tinignan kung nakauwi at nasa tabi ko na si Josiah. Kumunot ang noo ko nang wala pa akong katabi sa kama. "Savvanah, hija." Humahangos na pumasok si Manang Lucila sa kwarto. "Ayos ka lang ba—" "Manang, si Josh po?" 'yon agad ang tanong ko nang makalapit ito sa akin. Bumangon pa ako para tignan kung nasa labas lang ito. Agad hinila ni Manang Lucila ang mga kamay ko, malungkot ang mga mata nitong tinignan ako. "M-Manang si Josh po?" Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng mga luha ko nang magtanong. Pag-iling lamang ang naging tugon nito sa akin kaya mas lalo akong napahagulgol. Ibig sabihin, hindi panaginip ang nangyari dahil... totoo lahat ng 'yon? Mariin akong napapikit nang magtungo sa kama at nanghihinang umupo roon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD