"HIJA, magpahinga ka na. Alam kong hindi madali ang lahat pero, nandito lang kami," wika ni Manang Lucila bago siya tuluyang iwan ako sa kwarto. Nang umalis ito ay nadako ang tingin ko sa picture frame na nabasag kanina. Kinuha ko 'yon at pinakatitigan. Ilang sandali pa'y natagpuan ko na lamang muli ang sarili na akap-akap ang litrato naming dalawa ni Josiah. "Mahal na mahal kita, Josh. Mahal na mahal..." I woke up in the morning with teary eyes. Bumangon ako na parang walang nararamdaman, walang emosyon, tulala. Tumingin ako sa kabilang side ng kama, ramdam ko bigla ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Ito na naman, ang pakiramdam na 'yon ay hindi ko matakasan. Ang sakit. Napapikit ako sa sobra-sobrang sakit. Kita ko sa imahinasyon ko ang laging ginagawa ni Josiah sa tuwing umaga.

