NAKAUWI na ako't lahat-lahat ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang lalaking 'yon. May iba pang bagay na mas importante kaysa sa kanya na dapat kong isipin pero nakakainis lang dahil laman siya ng isip ko! How to forget him? Argh! Nagpapa-ulit-ulit sa utak ko ang mga scenario kagabi. At pinamumulahan ako ng pisngi kapag naaalala ko kung paano ko isigaw ang pangalan niya sa tuwing may gawin siya sa akin. f**k! Forget him, Gina! MAGHAPON akong humilata sa kama ko. Iniisip ang mga bagay-bagay. Gusto kong paghandaan ang pakikipag-usap kay Savvanah. Kahit 'yon man lang ay magawa ko na ngayon. I need her forgiveness, their forgiveness on what I did to their family. I know, isn't easy to forgive and forget but I'm still hoping, kahit tanggapin man lang niya ang paghingi ko ng tawad ay ayos na sa

