Nanginginig ang mga kamay ko, nangangatog ang mga tuhod ko sa nakikita. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ng dalawang mga mata ko. Malinaw na malinaw na magkahawig na magkahawig sila ni Josiah. It's like, I'm in a dream. Am I? What should I do now? Pupuntahan ko sila! Akma na akong lalapit sa kinaroronan nila nang pasakay na ang mga 'to sa sasakyan. "S-sandali," halos 'di ko marinig ang aking boses, nanunuyo ang aking lalamunan simula pa kanina. Binilisan ko ang lakad para mahabol sila ngunit huli na nang mabilis na umandar ang lulan nilang sasakyan. "Josh!" Napaluhod ako nang dahil sa panghihina ng mga tuhod ko habang tinitignan papalayo ang sasakyang sakay nila. Patuloy na umaagos ang mga luha ko at hindi ako makagalaw. I'm shocked and stunned. Para akong maeestat

