NASA harapan na ako ng adress na ibinigay noon sa akin ni Jean. Mabuti na lamang pala at naitabi ko ang address kung saan siya nakatira. "Kuya Lando, hintayin niyo na lang po ako rito," sabi ko sa driver namin bago ko ito iwan sa sasakyan. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nag-doorbell na ako. Ilang segundo lamang ay may maid agad na lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. "Sino ho sila?" nakangiting tanong nito sa akin. "Ah, ako po si Savvanah. Isa sa mga nagrenta dati ng shop kay Jean Alastair. Nandito po ba siya? May kailangan lang po akong sabihin sa kanya, eh," tugon ko rito. "Opo, nandito si ma'am, hija. Sandali lang, ha? Tatawagin ko lang siya, busy kasi siya sa loob dahil busy sa pag-aalaga sa asawa niya. Halika pumasok ka na muna at maupo diyan." Tinuro niya ang isang table sa

