PROLOGUE
Bless Princess Pov
“Ano ka ba naman na bata ka! nanigarilyo ka na naman ano?” Sermon ni Mama sa akin. Hindi na lang ako sumagot kasi totoo naman,itatanggi ko pa ba?
“Pinapamihasa mo kasi ang anak mong kilos lalaki eh! Kung pinag-bebestida mo siya katulad ng dati eh matutuwa pa ako.” Sermon rin ni Papa kay Mama.
Napabuntonghininga na lang ako. Bakit kasi hindi na lang ako tanggapin ni Papa? ako ito eh! kahit pagbali-baliktarin man ang mundo anak niya pa rin ako.
Napatingin ako sa natatawang mga kuya ko sa likod nila papa. Nakasandal sila sa magkabilang pinto at natutuwa sila sa kanilang nakikita. Pilit nilang pinipigilan ang kanilang bungisngis kasi alam nilang sesermunan rin sila ni mama kung makita sila nito. Sigurado akong sila ang nagsumbong nito,kahit pa sabihin na sinumpong ako ng asthma ko ay alam kong sinumbong din nila ako kay mama.
Tinuruan nila akong mag-yosi pero sinusumbong din naman nila ako! Alam ko naman na nakikita nilang sumusobra na ako at nakikita ko din naman iyon sa sarili ko pero hindi ko naman pinagsisihan kasi ito ang isa sa nakakawala ng mga iniisip ko.
“Hayst! hayaan mo nga ang anak mo!” Banat naman ni Mama kay Papa.
“Hay naku bahala ka nga, ini-spoiled mo kasi kaya lumala iyan,” umiling-iling na sabi ni Papa
Tinarayan lang naman siya ni Mama. Pagkatapos ay hinagod-hagod nito ang likod ko. Pagdating kasi sa pagiging kilos lalaki ko,suportado ako ni mama basta ‘wag kong ipapaputol ang hanggang hips kong buhok kasi kapag ginawa ko iyon ay siya na mismo ang kakalbo sa akin. Kaya no choice ako. Ang init-init na nga eh! Gusto ko sana mga hanggang batok lang ang buhok ko. Si Papa naman ayaw, mas gusto raw niyang magpapalit-palit ako ng lalaki ‘wag lang daw akong maging kilos lalaki.
May dalawa akong kuya, kambal sina Kuya Synonym at Antonym. Oh ‘di ba ang unique ng pinangalan ni mama sa kanila, retired English teacher kasi siya dati kaya gano’n ang kaniyang naisipang pangalan sa mga ito. Ako naman si Bless Princess. Princess kasi obvious naman na iisa akong babae. Bless kasi blessing daw ako sa kanila, plus miracle baby ako kaya alagang-alaga ako ni mama.
“Bless ha? Kapag talaga nagpatuloy ka pa sa kagaganiyan mo, kahit anak kita ipapadumog talaga kita sa mga lalaki.” Pananakot ni Papa na hindi naman ako natakot. Upakan ko pa iyong mga dudumog sa akin na ‘yon eh! Makikita nila.
“Matulog ka na.” Paalam ni Papa pagkatapos ng maraming speech nila ni Mama sa akin.
Una siyang humalik sa noo ko kasunod si mama at ang mga kuya ko na napagkasunduan pang guluhin ang buhok ko sabay takbo palabas ng kuwarto. Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko na inayos ang nagulo kong buhok at sumalampak na lang ako ng higa sa kama. Napatitig ako sa kisame ng matagal. Bakit nga ba ako humantong sa ganito? Siguro kong hindi niya ako iniwan eh ‘di buo pa kung ano ang dating ako. Iwinaksi ko ang aking mga nasa isip at pinilit ko ang aking sarili na makatulog. Hindi ko akalaing mapapanaginipan ko kung paano kami nagkakilala.
FLASHBACK
3rd Person POV
“Synonym at Antonym, kayo na muna ang bahala sa kapatid ninyo ha? Huwag ninyo siya hahayaang matuyuan ng pawis.” Bilin ni Rebecca habang papasok sa trabaho. Agad namang tumango ang dalawa. Nakaugalian na niyang ibilin sa kaniyang anak na kambal ang nag-iisa niyang babaeng anak na si Bless sa tuwing siya ay papasok sa trabaho kahit na may iniiwanan siyang tagapangalaga sa mga ito.
Napakahikain kasi ng kaniyang bunso, mapawisan lang ng kaunti ay hihikain na kaagad. Kaya sobrang pag-iingat ang ginagawa niya dito. Hinalikan niya sa noo ang kaniyang kambal at nilapitan din niya ang batang si Bless na nakaupo sa sofa habang nagmamasid sa kanila para halikan din ito sa noo.
“Saan ikaw mama?” mahinang tanong nito sa kaniya.
“Magtatrabaho si Mama, dito ka muna kay Ate Suzy mo ha?” Tukoy niya sa tagapangalaga nito
”Papasalubungan na lang kita basta ‘wag kang maglilikot at sumunod ka rin sa mga kuya mo, okay?” Agad naman itong tumango habang nakangiti, makikita mo sa maganda nitong mukha na excited na siyang sumapit ang uwian ng kaniyang ina para makakain na ng paborito niyang ihaw-ihaw na laging pasalubong nito sa kaniya.
Ngumiti pabalik si Rebecca at muling hinalikan ito sa noo bago umalis. Nang makaalis ang ina agad na naglaro ng video game ang kaniyang mga kuya kaya pumunta na rin siya sa kaniyang mga laruan na nasa iisang gilid na talagang pinagsamasama ng kaniyang ina doon. Agad siyang umupo sa kaniyang carpet na nakalatag doon, inisa-isa niyang ilabas ang kaniyang mga luto-lutuan para magsimula na siyang maglaro.
Maya maya lang ay nagsidatingan na nga ang mga ka-grupo ng mga kuya niya sa school. Inabangan niya talaga ang mga ito para tingnan kong may makakalaro ba siyang babaeng kaklase nito pero, agad na bumagsak ang payat na balikat ng batang si Bless at sumimangot ang manipis nitong labi ng makitang puro lalaki ang mga ito.
Ibinaling na lamang niyang muli ang kaniyang atensyon sa mga laruan upang muling aliwin ang kaniyang sarili. Giliw kasi siya sa kalaro dahil sa kaniyang hika, iniiwasan talaga ng kaniyang mga magulang na makipaglaro siya sa mga batang nakikita niya sa labas ng kanilang bakod. Kaunting mapawisan lang kasi siya at mapagod ay inaatake na kaagad siya ng hika. Nang sumapit ang meryenda ay nilapitan siya ng kaniyang tagapangalagang si Suzy para pakainin at tingnan na rin kung may pawis ba siya o wala.
Inayos din nito ang naka-pig tail niyang buhok. Gustuhin man niyang makipaglaro dito ng kaniyang luto-lutuan at mga barbie ay hindi naman niya ito gustong maabala sa mga ginagawa nito. Lahat kasi ng gawaing bahay ay ito ang gumagawa. Paminsan-minsan lang niya itong nakakalaro kapag maaga itong natatapos sa kaniyang mga gawain. Nang sabihin ng kaniyang mga kuya na may pupunta na ka-grupo nito sa isang subject ay na-excite siya dahil naisip niya kaagad na may makakalaro siyang classmate na babae nito pero nalungkot lang siya dahil puro ito mga lalaki.
“Bless, halika na dito ka na sa mga kuya at classmate niya sumabay magmeryenda?” Yaya ni Suzy sa kaniya at iginaya siya sa kanilang kainan.
Nahihiya man ay sumunod na rin siya dahil kanina pa siya nagugutom. Naiilang siyang umalis sa kaniyang carpet para kumuha ng makakain dahil na rin siguro sa kaniyang hindi paglalabas sa bahay ay nahihiya na siyang makipagsalamuha sa mga tao. Nang makarating sa kanilang kainan ay binuhat siya ng kaniyang Ate Suzy sa bangko dahil sa kaniyang liit ay hirap siyang umakyat sa matataas nilang upuan.
“Hi.” Bati sa kaniya nang nasa bandang gilid niya na classmate ng kaniyang kuya.
Hindi siya sumagot at nginitian lamang ito. Nahihiya kasi talaga siya. Nag-umpisa na silang kumain kaya natahimik na ang hapag sa maingay na biruan ng magkakaklase. Samantalang sa kabilang banda ay pinagmamasadan ng binatilyong si Iann ang kaniyang katapat na batang babae na kumakain ng meryenda at asikasong-asikaso ng kambal niyang kaklase. Ano kayang pangalan nito? Ang ganda naman niya sa isip ni Iann, habang pinagmamasdan niya ito ay nagtama ang paningin nila kaya wala sa sariling kinindatan at nginitian niya ito pero laking gulat niya ng bigla itong umiyak.
Hala anong ginawa ko? Tanong ni Iann sa sarili habang tinitingnan ang kaklase niyang kambal na hindi na magkandaugaga sa pag-aalo dito.
Luminga-linga siya sa paligid kong may nakakita sa kaniyang ginawa at nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang walang nakatingin sa gawi niya. Mabuti na lang at muling tumitig si Iann sa namumula ng mukha ni Bless dahil sa pag-iyak. Umiyak ang batang si Bless dahil natakot siyang baka may sakit siya sa puso dahil bigla itong kumabog ng malakas dahil sa kindat at ngiti ng binatilyong kaharap niya.
End of Flashback