Chapter 16 Nasa living room ako na naka upo sa sahig at nakatunganga sa laptop ng maalala ko na tatlong araw na akong delayed. Normal ang menstration ko at kahit kailan ay hindi ako nadelayed kaya kinakabahan talaga ako. Lalo pa at hindi kami gumagamit ng proteksyon ni Luke sa tuwing nagse-s*x kaya agad ako napasearch sa google kung ano ang rason na madelay ang menstration. If you are delayed it might be a abnormal cycle of menstrations... some of the reasons are: You're pregnant, ovarian cancer... Napatigil ako sa pinaka unang rason na bumulaga sa akin. Buntis? Ako buntis? Hindi maari. Hala. Ni hindi ko kilala ang lalaking gumagamit sa akin hahaha pota. "Ako buntis?" Kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang jacket ko at wallet at bumaba para bumili ng pregnancy test sa pharma

