Chapter 17 Bumalik na ako sa sala at pinagpatuloy ang panunuod ko ng movie. Kaimbyerna ng ginawa nila sa kusina. Ano ba ang tingin nila sa akin? Matakaw? Kakain naman ako at kaya ko naman kumain ng sa sarili ko hindi naman kailangan na gawin nila iyon. Nakakawala ng gana. Nakita ko sila na sabay silang lumabas ng kusina habang ngumunguya at nagtinginan pa rin. "May sekreto ka, Nerd. At aalamin ko iyon." "I will root for you and I hope you rot in hell too." Sagot ni Nicollo at hindi ko mapigilang mapangiti. Savage rin pala ang Nerd na parang tahimik lang. "Can you please all stop?" agad silang tumigil at napatingin sa direksyon ko. "Zandro parang magaling ka naman I think you can go home. Nicollo, I think pwede ka ng bumalik sa unit mo. Thanks but no thanks sa mga foods niyo." "you can

