"MAGPAPAALAM sana ako sainyo..." Isang araw ay paalam ni Andrea sa tatlong binata. Sakto naman ang pamamaalam ngayon ni Andrea sa tatlo dahil naririto ang mga ito ngayon. Rest day na maituturing ang ngayong araw dahil naroroon silang lahat. Sabay sabay na napatingin ang tatlong binata kay Andrea. "M-Magpapaalam?" si Jedric. "Saan ka naman... pupunta?" "Huh? Bakit?" si Rihan naman. Napangiti si Andrea. "Isa kasi ako sa mga veterinarian na nabigyan ng opportunity sa isang program. Ang layunin ng programang ito ay magresearch at magpalaganap ng awareness sa mga pet owners. Tutulong din kami sa mga animal shelter. Tapos may certificate kami na makukuha. Bukod pa roon, ang doctor na mapipili ay matataguriang best veterinarian ngayong taon," Nanlaki ang mga mata ng tatlong lalaki. Agad na

