❦ ABATTB - 58 BAGONG UPDATE

2642 Words

"SOBRANG CLOSE mo sakanila 'no?" untag sa kanya ni Josef habang nakatingala siya sa kalangitan. Tapos na ang buong araw nila sa activity. Nakakapagod, pero masaya naman. Ngayon ang buong team ay sa kagubatan matutulog at may mga tent na malalaki roon. At dahil hindi naman sanay si Andrea matulog sa ganoon, nahihirapan siyang hanapin ang antok niya. Napagpasyahan na lamang ng dalaga na lumabas at magpainit sa bonfire habang nag-i-star gazing. Inakala ni Andrea na ang tinutukoy ni Josef ay ang mga kasama nila sa mission. "Huh? Hindi naman masyado. Hindi naman sila mahirap pakisamahan," Natawa si Josef at tumabi sa kanya. Tumingin din ito sa kalangitan. "Hindi 'yon ang tinutukoy ko," "Huh?" "'Yung tatlong lalaki na kasama mo sa bahay. Ano nga ba ulit ang pangalan nila?" tanong ng binata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD