LITERAL NA natawa si Josef sa tinutumbok ng tatlong lalaki. Lalaki rin siya, kaya mabilis niyang naintindihan ang sinasabi ng mga ito. Nag-alboroto ang tatlo sa nakitang pagtawa niya. "At anong nakakatawa, huh?!" ginigitgit ni Reeve collar ng damit ni Josef. Itinaas ni Josef ang dalawang palad sa ere bilang pagsuko. "Calm down, nagkakamali kayo," Si Andrea naman ay litong-lito. "Ano ba, Jedric, bitawan mo ako!" "Hayaan mong kumprontahin ni Reeve ang lalaking 'yan," inis na sambit nito sa kanya. Nagtatakang napatingin naman siya kay Rihan. Humihingi ng saklolo. "Rihan, awatin mo si Reeve, ano ba! Huwag kang tumunganga r'yan!" Tinignan lang siya ng blangko ni Rihan. "Hayaan mo silang magpatayan," Napahinga nang malalim si Andrea. Hindi na niya maintindihan ang mga lalaking ito! Ang h

