HANGGANG NGAYON ay nahihiya pa rin ang tatlong binata sa naging asal nila noong nakaraan. Mga halatang judgmental silang tatlo at bwisit kay Josef. Pero hindi pa rin mawala sa isipan ng mga ito kung gaano kabagay si Andrea at Josef. Kasama na si baby Jerieve. Mukhang masayang larawan ang mga ito. Kaya naman hindi mapigilan ngayon ni Jedric ang mapangitngit habang nalamukos ang papel na hawak. Gigil na gigil siya sa kaisipang magkakatuluyan si Andrea at Josef. Nanlaki naman ang mata ng kanyang manager sa kanya. "J-Jedric! Goodness! Bakit mo nilukot ang kontrata?!" parang mababaliw na sigaw nito. Nabalik siya sa reyalidad at napagtantong nayukot niya nga ang kontratang pipirmahan niya. "Ah... eh---" "Bakit ka ba nagkakaganyan, Jedric? Matagal ko nang napapansin ito sayo ah. Lagi kang

