NAKAALIS NA si Josef. Pahiyang-pahiya naman si Andrea sa inasal ng tatlong binata. Hindi niya aakalain na ganoon ang magiging trato ng mga ito kay Josef! Nasa sala na sila ngayon at nakaupo sa sofa ang tatlong lalaki. "Grabe, hindi na kayo nahiya sa tao! Hindi niyo ba talaga ako bibigyan ng kahihiyan? Bakit naman ganyan kadudumi ang mga isip niyo? Nagmagandang loob na nga siya, ganito pa ang napala! Diyos ko!" napahawak si Andrea sa batok at nirelax-relax ng bahagya 'yon dahil pakiramdam niya ay magkakasakit siya sa mga ito. Para tuloy siyang titser na pinapagalitan ang mga salbahe at mga sutil niyang estudyante. Yukong yuko ang mga ulo nito at hindi makatingin sa kanya. "Ano? Hindi na kayo magsasalita? Kapag sa kalokohan at katarantaduhan, ang gagaling niyo! Pero kapag may kasalanan ka

