MONTHS AFTER Nakangiting bumangon ng higaan si Andrea at mabilis na kinuha ang anak sa crib nito. Ngayong araw ay malaking araw para sa kanilang mag-ina. Ito ang first birthday ni baby Jerieve. Wala naman siyang masyadong malaking plano para sa anak. Kahit noon pa ma'y hindi siya sang-ayon sa magagarbong okasyon. Ang mahalaga naman ay naipagdiriwang nila ang tunay na kahulugan noon. Simpleng salo-salo lang ang gusto niyang mangyari at balak niyang imbitahan ang mga staff, si Tita Concha at si Charlotte. Siyempre, kasama na rin doon ang tatlong lalaki. Sana lang walang opisina ang mga ito mamaya dahil magluluto siya ng kaunting handa. "Happy birthday, Jerieve! Ang bilis bilis mo lumaki. Parang kailan lang namomroblema pa ako kung paano ako magkakaanak, pero heto ka ngayon, ang laki mo na

