❦ ABATTB - 47 BAGONG UPDATE

1107 Words

PINAPAPUNTA NGAYON ng center ang lahat ng dumalo sa seminar noong nakaraan. Ngayon na raw i-rerelease ang certificates nila. Ayaw sanang pumunta ni Andrea at balak niyang si Caleb na lang ang papuntahin ngunit sinabing hindi magre-release ang center kung walang pirma ng mismong doctor. Kaya naman maagang mag o-out ngayon sa clinic ang dalaga. "O siya, paano ba? Mauna na ako, Caleb. Ikaw na muna ang bahala rito. Alam ko namang maasahan ka," aniya. Parang maiiyak ang itsura ng binata. "D-Doc...? Hindi mo ba ako isasama?" Nangunot ang noo niya. Minsan, hindi niya na rin talaga maintindihan si Caleb. Mahihirap intindihin ang mga lalaki. Namewang siya. "Bakit, bata ka ba na pasusuhin ng ina? Ano, mamamatay ka kapag wala ako rito?" sikmat niya. Napakamot ito sa ulo. "Ah... eh, Doc naman!" I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD