KANINA PA nagaalala si Rihan at si Reeve. Si Jedric na lang ang wala ngayon sa bahay dahil nasa shooting pa ito. "Anong oras na, ah? Hindi niya ba sinasagot ang tawag sa kanya?" inis na tanong ni Reeve. Umiling si Rihan. "Hindi nga niya sinasagot ang tawag ko. Nagaalala na ako," "Aba, anong oras na. Sarado na rin ang clinic niya. Saan nanaman ba nagpunta ang babaeng 'yon? Aba naman, parang wala siyang anak ah!" nakapamewang pa na sabi ni Reeve. Kung wala lang sila sa seryosong sitwasyon, malamang ay natawa na siya kay Reeve. Para kasi itong hindi mapairing baboy. "Tawagan mo nga uli," utos pa nito sa kanya. "Hindi nga sabing sinasagot ang tawag eh! Ang kulit mo rin, ah! Nagiinit na nga ang tengako, kanina pa ako tumatawag!" singhal ni Rihan. Nagising naman si baby Jerieve dhil sa i

