NAKAKAHINGA NA ng maluwag ngayon si Andrea. Hindi na naninikip ang dibdib niya. Nawala na rin ang panginginig at hilo niya. Natuyo na rin ang pawis niya at ngayon ay suot na niya ang long sleeve ni Dr. Josef. Labis siyang nagaalala ngayon. Natitiyak niyang hinihintay na ng tatlong lalaki ang pag-uwi niya ngayon. Tatawagan sana niya si Rihan o Reeve, dahil ito lang ang nasa bahay ngayon, pero muli niyang naalala na nawawala nga pala ang kanyang cellphone. Napasimangot siya. Napansin naman 'yon ni Dr. Josef. "Oh, bakit? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" "May tatawagan sana akong importante. Pero naalala kong nawawala nga pala ang cellphone ko. Nakakainis! Hindi ko alam kung saan ko 'yon nawala. Hindi naman ako burara. Marami pa namang mga importante roon at mga bank details ko," Naalala

