HINDI NA MAWALA-WALA ang malaking ngisi sa labi ni Josef. Tuwang tuwa siya sa nalaman. Hindi niya aakalain na si Andrea ay wala pang asawa o boyfriend. Kung may anak man ito, wala namang problema 'yon sa kanya. Hindi naman siya nabuhay sa panahon ni kopong-kopong. Isa pa, practical ang ginawa nitong desisyon. Oo nga naman, sa buhay ngayon ay mahirap nang magtiwala sa pag-ibig. Hindi mo na alam kung sino ang totoong may intensyon na mabuti at hindi 'yung temporary happiness lang. Hindi niya nga rin alam kung bakit may mga taong nakikipagdate para lang mawala ang bored o kalungkutan. Siya kasi, gusto niyang makipag-date dahil iisa lamang ang gusto niyang kahantungan n'yon --- marriage. "Come on, huwag ka nang mahiya sabihin sa akin. Hindi naman kita huhusgahan. Isa pa, buhay mo 'yan. Nasa t

