NAGTATAKA ANG TATLO kung bakit hindi pa umuuwi si Andrea. Ito nalang ang wala pa sa bahay. Natapos na ni Rihan at Jedric ang mga gagawin, ngunit ni isang tawag nito ay wala pa rin. Sinubukan nilang tawagan ang clinic nito, ngunit sarado na iyon. Kung gayon, nasaan na ang dalaga? Hindi na mapakali ang tatlong binata. Madaling-araw na. At dapat kanina pa nakauwi si Andrea. Tapos na rin silang tatlo magdinner. At tulad nila hindi rin makatulog si baby Jerieve. Tila hinihintay nito ang ina. Iyak ng iyak ang bata. "Asus... hinahanap ang mommy Heather niya... don't worry baby. For sure uuwi naman si mommy..." alo rito ni Rihan at binuhat. Pinaghele pa. Ngunit hindi natuwa si baby Jerieve. "No! No! Gusto ko makita ang mommy ko! At napipisat mo ang tae ko daddy Rihan!" Sigaw ni baby sa isip.

