KANINA PA HINDI makatulog si Andrea. Lahat ng mga kasamahan niyang kapwa doctor ay tulog na sa loob ng UV. Iyong iba ay naglatag ng makakapal na damit at scarf sa labas at natulog sa damuhan. Presko naman ang hangin dahil binuksan nila ang bintana. Amoy probinsya talaga. Malayo sa polusyon na dala ng Manila. Hindi mawari ni Andrea kung paano nagagawang matulog ng mga kasama knowing na napakasikip na nga, ay nasa gitna sila ng isang probinsya na hindi niya alam kung saan ang eksaktong lugar, katabi pa ay bangin. Pero baka siya nga lang talaga ang hindi makatulog dahil iniisip niya ang anak. Iba na nga talaga kapag may anak. Ito lagi ang maiisip mo. Miss na miss na niya ang anak. Gustong gusto na niya makita si baby Jerieve. "If you continue doing that, iyayapos na kita sa katawan ko." a

