"DO YOU MIND, Andrea if I invite you for a breakfast? You see... kagabi pa ang huling kain natin. And I'm kindda hungry. But if you don't want, okay lang din." Napakamot pa ito sa ulo. Grabe na rin ang gutom na nararamdaman ni Andrea. Paano bang hindi magugutom? Walang signal doon sa kanilang pwesto kanina. Ni walang dumadaang sasakyan. Kinailangan pa nilang maglakad ng ilang kilometro upang makapunta sa bayan at may mga kabahayan. Doon kasi, kahit papaano ay may signal. At doon na sila nakatawag ng mga kanya-kanyang tatawagan. Ngunit naalala ni Andrea na hindi pala siya mahilig maglagay ng cellphone sa bulsa ng pantalon. Nasa bag niya ito at kasamang natangay sa bumagsak na UV nila. May dumating na rin na mga pulis para inspeksyunin ang nangyari. Kaya naman inggit na inggit siya dahi

