SABAY SABAY NA nagkatinginan ang tatlong binata. Iisa ang nasa isipan. Napalunok at nagmamadaling lumabas ng bahay. Hindi maipinta ang mga pagmumukha nila. Samantala si Andrea naman ay hiyang-hiya dahil hinatid pa talaga siya ni Dr. Josef sa bahay. Kahit ilang beses niya itong tinanggihan kanina. Alam niyang pagod na ito at gustong magpahinga. Nilibre na nga siya nito ng late breakfast, hinatid pa siya. Hindi naman ito magpapapigil, talagang hinatid pa siya mismo sa labas ng bahay nila. "Naku, m-maraming salamat talaga, Josef ha? Nakakahiya na sa'yo..." nakangiwing sabi ni Andrea nang humimpil ang sasakyan. "No worries, Andrea. I have fun talking and knowing you. Anyway, I know na wala ka ng cellphone dahil sa nangyari kanina, kaya naman ibibigay ko nalang sa'yo ang contact number ko.

