EPISODE 14

1199 Words
LEONARDO Kahit sobrang lungkot ko pinilit kong magtrabaho. Hindi dapat ako maging pabaya dahil may mga taong maapektuhan. Nakasalalay sa akin ang kompanya. Kapag hindi ako kumilos baka mawala lahat ng pinagpaguran ko. Pinahanap ko si Rosabella pero bigo ako. Lahat ng company na puwede niyang apply-an say inuyod ko na ngunit wala siya. Napahagod ako sa buhok ko. I really miss Rosabella. Chineck ko kung may lumabas sa bansa na nagngangalang Rosabella. Ayon sa immigration officer na kakilala ko ay wala namang lumabas na ganoong pangalan. Ibig sabihin ay nandito lang siya. It’s all my fault. Mas pinili ko si Chiara. Ang akala ko siya ang mahal ko, ngunit nagkamali ako. Pinipilit ko na lang pala ang sarili kong mahalin si Chiara. Si Rosabella na pala ang mahal ko. Kaya ganoon na lamang ang paghihigpit ko kay Rosabella sahil ayokong mawala siya sa buhay ko. Nangilid ang mga luha ko. Napaangat ako ng tingin ng pumasok ang Secretary ko. “Sir nasa labas po si Mrs. Isabella Montero,” sabi niya. Napakunot ako ng noo. Bakit napadalaw si Isabella rito? “Let her in,” utos ko. Tumango siya. Ilang saglit lang ay pumasok si Isabella na napakaseryoso ng mukha. Kaya nagtaka ako. Because she is not like that. She smiles and greets me all the time when she sees me, but this time she looks serious and furious. Tumayo ako para bigyan ng yakap si Isabella, pero bago pa ako makalapit sa kanya ay isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya. Napabaling ang mukha ko. “Ang akala ko ay iba ka sa ibang lalaki na nakilala ko! Ang akala ko ay hindi ka makakagawa nang masama sa kapwa mo! Ang akala ko ay mabuti kang tao! Iyon pala akala ko lang pala! Itinuring kitang mabuting kaibigan, pero nagkamali ako Leonardo.”| Galit na sabi niya. Nagpahid ng luha si Isabella. Hindi ako nakakilos. Parang alam ko na kung bakit nandito siya. Alam na niyang nasaktan ko ang damdamin ng kapatid niya. “How dare you Leonardo to hurt my sister’s heart! Pinaglaruan mo lang ang kapatid ko! Napakasama mo!” Aniya at pinagbabayo ang dibdib ko. Hinayaan ko lang gawin niya iyon sa akin. Deserve ko naman ito bilang kabayaran sa nagawa ko kay Rosabella, kulang pa nga. Pinagsisihan ko na iyon. “I’m so sorry, Isabella nasaktan ko si Rosabella.” Paghingi ko ng tawad. Gusto kong ibulalas ang nilalaman ng puso ko, ngunit mas pinili ko na lang na hindi sabihin. “Pinagkatiwalaan kita! Ang akala ko mapapabuti si Rosabella habang nasa poder mo! Pero sinira mo ang kapatid ko! Sinaktan mo siya ng sobra!” Hinampas niya ang dibdib at mukha ko. Napapikit na lang ako at nanatiling nakatindig na parang sundalo at tinatanggap ang p*******t sa akin. “Ito ang tandaan mo Leonardo hindi mo na makikita si Rosabella. Huwag ka ng magpapakita sa amin! Pinuputol ko na ang ugnayan namin sa iyo!” Galit na sabi niya. Naalarma ako. Hindi maari! “Pakiusap Isabella huwag mong gawin ito. Inaamin kong nasaktan ko si Rosabella, ngunit pinagsisisihan ko na iyon. Hinahanap ko siya at gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya. Inaamin kong mahal ko si Rosabella. Sa maniwala ka, totoo ang sinabi ko. Nakikiuasp akong huwag niyong ilayo sa akin si Rosabella.” Pagmamakaawa ko. Hindi ko kakayaning mawala siya. Hinawakan ko ang kamay ni Isabella, ngunit tinabig niya lang iyon. Nanlilisik sa galit ang mata niya habang nakatingin sa akin. “Lumayo ka sa asawa ko!” Sigaw ni Chris na kadarating lang. Napaatras ako. Yumakap agad si Isabella sa asawa niya at napaiyak. “Leave us alone Leonardo! Huwag ka ng magpapakita ni isa sa pamilya ko. Lalo na kay Rosabella! Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa iyo. You know me!” Pagbabanta niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita at nakagalaw. Napatingin na lang ako sa mag-asawang lumabas sa opisina ko. Naiwan akong nakatulala. Ilang sandali lang ay natauhan ako. Wala na sila. Nanghihinang naupo ako sa swivel chair. Sa isipang hindi ko na makikita si Rosabella ay para na akong pinapatay ng unti-unti. Hindi ako papayag na ilayo nila sa akin si Rosabella. Babawiin ko siya. ROSABELLA Hindi ako lumabas ng silid dahil nahihiya ako kay ate. Alam kong disappointed siya sa nangyari sa akin. Hindi ko naman siya masisi. Nagbuntong hininga ako. Biglang kumalam ang tiyan ko. Kailangan ko na talagang kumain. Kanina pa ako nagugutom. Dahil nga sa nahihiya ako kay ate ay hindi ko magawang lumabas ng silid ko. Kailangan na ng mga anak ko ang kumain. Tumayo ako upang pumunta ng kusina. Papasok na sana ako sa kusina nang maulinigan kong nag-uusap si ate Isabella at Kuya Chris. Nagpasya akong sumilip sa sala. Nakita kong nakayakap si ate Isabella kay Kuya Chris habang umiiyak. Ako ba ang dahilan kaya siya umiiyak? Gusto kong batukan ang sarili ko. Obvious naman na ako ang dahilan. “Tahan na honey ko. Hindi makakalapit sa inyo si Leonardo, nangangako ako.” Nagpunta ba si ate kay Leonardo? Sinabi niya kaya ang kalagayan ko? Napahawak ako sa aking tiyan. Hindi naman sana. Ayokong makita si Leonardo. “Kulang pa ang sampal sa kanya. Hindi niya malalaman na buntis si Rosabella. Napakasama niya pinaglaruan niya ang damdamin ng kapatid ko. Pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko iba siya, eh? Nagkamali ako.” Sa narinig ko kay ate ay nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman hindi niya sinabi. Pero nakakahiya na nagpunta pa si ate roon para lang awayin si Leonardo. Ang dami na ng sakripisyo ni ate sa amin noon. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko napigilang maluha. Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nangyari sa akin ito. Nagpakatanga ako sa pag-ibig. Hindi lang naman si Leonardo ang may gusto nito, pati rin naman ako. Tumalikod na ako. Ayokong makita pa si ate habang umiiyak. Nahahati ang puso ko. Iyong plano ko sanang kumain ay hindi ko na tinuloy. Pinahid ko ang luha ko. “Tita Rosabella, samahan mo po akong mag-eat ng ice cream.” Nagulat ako nang dumating si Belle. Nakangiti siya sa akin. Sa narinig ko sa kanya ay nag-crave ako bigla sa ice cream. “Okay, tawagin mo rin si Toper para tatlo tayong kumain.” Utos ko sa kanya. Sabi ko. “Nandoon na po siya sa kusina. Kanina pa nga po siya kumakain, eh?” Nakangusong sabi niya. Sabay na kaming pumasok sa kusina. Nandoon na nga si Toper. Nakaupo sa stool, may hawak na cup ng ice cream. “Hi, Tita Rosa! Halika kain po tayong ice cream!” Nakangiting paanyaya niya sa akin. Hindi ko mapigilang humanga sa mga anak ni ate Isabella. Napakabait nilang mga bata. Puro na ice cream ang pisngi niya. Kumuha ako ng tissue para punasan ang pisngi ng pamangkin ko. “Tita kapag po lumabas na ang baby mo mag-play kami po, ha?” Hiling ni Toper. Hinaplos ko ang buhok niya. “Oo naman, kasama si ate Belle. Hindi ba ate?” Tumango si Belle. Kakalimutan ko muna sandali ang nararamdaman kong sakit sa puso ko. Nandito ang pamilya ko, nagbibigay ng kasiyahan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD