Chapter 9

2627 Words
-May- "Vampires are immortals and so are the werewolves, witches and warlocks. We stop aging at our 18th year. And thus we stay young forever. Since we don't die, unless we are killed by natural force or war, the vampire population grow. But we know that we cannot turn anyone into a vampire so the population is still under control." "Pero ang ilan sa mga pinakamatatandang vampire ay nagpapakamatay na lang. Why do they end their lives? Simple lang naman. They are too tired of living. Though we have an eternity to live, there will be a moment that we will be tired of living this endless life. Dahil wala ng purpose ang buhay, mas minabuti ng ilang bampira na kitilin na ito." Nagkaklase ngayon si Ms. Kara Valier. Ms. Valier is a petite lady. She stands at least five feet. Her skin color matches ours, fair and white but a little pale. Though she's small, she has strikingly strong facial features. Siya ang teacher namin sa Vampire History. At base sa kinaklase niya, mukhang off topic na siya dahil hindi pa niya dinidiscuss ang history ng vampire. Naglelecture pa siya tungkol sa buhay ng isang bampira which regards to the population. I do agree with her lalo na dun sa mga bampirang nagpapakamatay dahil napagod na silang mabuhay. Ang boring nga naman mabuhay ng matagal na matagal. Ako kaya, dadating din kaya ang araw na mapapagod din akong mabuhay? Napasulyap ako kay Stephen na nasa tabi ko. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Hindi ko manlang siya kakikitaan ng pagkabagot o interes. Blangko lang talaga siya. "How about you, King Stephen? What is your view about living forever?" Nakatingin kaming lahat kay Stephen. Ibang klase din tong si Ms. Valier. Mukhang hindi siya apektado na hari si Stephen. Hindi manlang siya naintimidate sa presence ng hari. She treated Stephen like an ordinary student. "Forever is an awfully long time. But if you have someone special to spend it with, you will be thankful that forever exists. Do you agree with me, Ms. Lockheart?" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang bumaling siya sa akin. He looked at me with those beautiful black orbs of his. I almost melted in my seat. Wait. Bakit naman ako nasabit sa usapang poreber? Meged. "Yes, of course." pagsang ayon ko. Naiinis talaga ako pagganito si Stephen. Parang may kakaiba talaga siyang epekto sa akin. To think na titig niya palang ganun na ako makareact paano kaya kung lumampas pa dun? Hindi ko alam pero may konting kirot akong naramdaman sa sinabi niya. Bakit nga ba siya mapapagod mabuhay kung kasing ganda naman ni Adela ang magiging asawa niya? "Humuhugot ka na naman, mahal na hari." Nawala ang atensyon ng lahat sa amin at nabaling kay Blake na sumegway na naman. Nakita ko ang ilang babae na napapanganga ng konti habang tinitingnan si Blake. Sa bagay, may pinanghuhugutan nga ang pagiging conceited ng lalaking ito. Natawa naman kaming lahat dahil binatukan siya ng fiancèe niya na si Angeli. "Aww. Anong kasalanan ko?" angal niya "Yang pagiging madaldal mo." sagot naman ni Angeli Bigla namang nakisali sa usapan si Joannie. "Ikaw, Kuya Blake, pakibawasan yang pagiging chismoso mo ah! Ako na mismo ang magbibilad sayo sa araw pag di ka tumigil." "Suportado kita diyan, Babe. Haha." tuluyan ng natawa si Andy. "Aba---" hindi na nakaangal si Blake dahil sinuway na sila ni Ms. Valier. "Okay, Class. Settle down.  We will now discuss our first lesson in Vampire History. Mr. Devonshire, please keep quiet." Nagsiayos naman ang lahat at nagsitahimik na. Pati si Blake ay umayos na rin. Buti naman. Ang daldal talaga ng lalaking yun. Napangiti na lang din ako. Mukhang mag-eenjoy ako kasama sila. **** "According to our records, the first vampire to have existed is Count Dracula from Transylvania. Now, I know all of you knew who Count Dracula was. He is considered our first King and of course, King Stephen's ancestor." Whoah. Lolo pala ni Stephen si Dracula? "Alam din nating kilala si Dracula sa mundo ng mga mortal. Kilala siya dahil sa librong isinulat ni Bram Stoker, ang unang mortal na nakatuklas sa existance ng mga bampira. But those written in that book is purely fictional." "To make the story short, Nagkaroon pa ng ibang bampira maliban kay Dracula. Nagkalat kalat ang mga bampira sa Romania, England and Germany until meron na sa buong mundo. Any questions?" Wala namang nagtanong kaya nagpatuloy pa si ma'am sa pagkaklase. **** "Class dismissed. And proceed to the Training Center for you next class." Tumayo agad ako at inayos na ang gamit ko. Aalis na sana ako ng maramdaman kong may humila sa akin. Nakita ko ang nakangiting si Joannie habang hawak ang braso ko. Kasunod niya ang mga kasama niya pati na rin si Stephen. "Sabay na tayo, May." sabi ni Joannie I nodded in agreement. Medyo malayo layo ang Training Center dahil separate building ito sa Arch kaya mahaba pa ang lalakarin namin. While we are on our way, nagtatawanan lang kami, at minsan sinasali nila ako sa topic. Tama nga ako. Masaya silang kasama. Habang nag uusap kami, mas lalo ko pang nakikita ang ugali nila. Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakasundo gayong iba iba ang personality nila. May pagkaconceited si Blake, may pagkamaldita si Angeli, parang tomboy si Joannie, si Carmela tahimik, mukhang serious type pero mabait naman siya. Si Andy, siya ang pinakagusto ko sa kanilang lahat. Easy-going lang siya at kitang kita ko ang sweetness nila ni Joannie. Wala akong masabi kay Adela. Para siyang anghel. Ang bait bait niya. Ang pino niya ring kumilos at napaka lady-like niya. No wonder the king loves her. Ugh. Bakit parang ang bitter ko? Jeez. Nakisama rin sa amin si Coreen dahil pinasama siya ni Adela. Kung walang nakatingin, nahuhuli ko siyang umiirap sa akin. Hindi ko na lang yun pinansin. Sayang ang ganda ko para mag aksaya pa sa isang katulad niya. Sa wakas ay nakarating na rin kami sa Training Center. I was awestruck when we went inside. Lahat ng naririto ay kulay puti, the ceilings, the walls and even the floor. Wala manlang bleachers o kahit ano. Malaking space lang talaga ang narito at sa gitna ang isang elevated space na pinalilubutan ng glass. Parang stage yung sa gitna kaso may glass lang talaga na nakapalibot. I wonder what that is? Pumasok kami sa stage na pinalilibutan ng glass. "Good evening, students." agad kaming umayos at binati rin siya. Nasa harap namin ngayon ang isang lalaki na matangkad, I think he stands at least six feet or more. He had fair white complexion and a muscular body. He look rather handsome as well. He's quite hot! I assume he's also a vampire. "I am Philip Blade, your Combat Skill teacher." Oh shocks. Masyado yata akong naaliw kila Joannie at nakalimutan ko na ito pala ang next class ko. I'm dead. I don't know anything about fighting. "I run things differently here. My class does not require your special ability so you wouldn't be using them. You will be trained by your combat skills and everything will be done manually." Pinagpapawisan na ako ng malamig dito. Kinakabahanan ako. Pwede bang excuse na lang ako? Ako lang ata ang inexperience sa ganitog mga bagay. I was on a verge of panicking when I suddenly felt a cold hand against mine. He squeezed my hand gently. And somehow I felt relaxed. Nginitian ko si Stephen at he smiled back. Its funny how he can calm every nerve in my body and yet he can also set me on panic mode. "You will be needing these." Hawak pa rin ni Stephen ang kamay ko at doon lang ako nakafocus kaya hindi ko namalayan na inaabotan na pala ako ng classmate ko ng isang blind fold. Agad ko namang binitawan ang kamay ni Stephen. Hindi na ako kinakabahan. Parang nahihiya na ako -///- Is this normal? Is it okay to held the hand of the king when he is to be married? I think not. "What are these for?" tanong ng isa kong classmate "Good question." sabi ni Mr. Blade. He snapped his finger then suddenly, all the lights are off. "See anything?" tanong ni Mr. Blade "Of course. We're vampires. We can see in the dark." sagot ni Coreen. "Yes. You're right. Now, put on your blindfolds." Hesitated, we put on our blindfolds. Eto na talaga. Wala na talaga akong makita. "Our first lesson is to learn how to fight like a werewolf." Maraming umangal sa mga classmates ko. Pero wala naman kaming magagawa dahil mga estudyante lang kami. "Tanggalin niyo na." Ano ba to? Ang gulo ni Sir. Papasuot tapos tatanggalin. Ano ba talaga? =_= My mouth literally formed an 'o' shape. Yung kaninag  puting dingding at ceiling ay napalitan ng malalagong puno. Ang inaapakan kong puting sahig kanina ay naging lupa at may ilan pang patay na d**o. Madilim ang paligid pero nakikita ko pa rin ng maayos ang paligid ko dahil nga natural na sa bampira ang makakita ng maayos sa dilim. Paano ako napunta sa gubat? Pero hindi lang yun ang kinagulat ko. Wala na lahat ng kasama ko at ako lang ang nandito. I mentally cursed. Ano ba talaga ang nangyayari? Bigla kong narinig ang tinig ni Mr. Blade but I can't see him anywhere. "Students, first lesson starts now. Put on your blindfolds again." Dahan dahan kong sinuot ang blindfold. All I see is darkness, and I didn't like it. "Do not worry. Nasa ilalim kayo ng illusion simulator kaya gubat ang nakikita niyo. Gusto ko lang makita kung  may alam kayo sa pakikipaglaban. Remember, fight like a werewolf." Unti unting naglaho ang boses ni Sir Blade. Fight like a werewolf? Paano ko ba magagawa yun? I can hear sounds. Sounds of my own steps. Tingin ko ay naapakan ko ang mga tuyong dahon at naririto pa rin ako sa gubat. Suddenly, I felt a pain in my stomach. May sumipa sa akin. Napaluhod pa ako nang batukan ako ng kalaban kong hindi ko naman makita. Pinilit kong tumayo kahit mahirap dahil ang sakit ng sipa at batok niya. Tatanggalin ko na sana ang blindfold ko para makita siya pero hindi ko ito matanggal. Heck! Wala akong nagawa sa sunod na tira. May sumuntok na naman sa pisngi ko. Potek. Ano ba talaga? Paano ako makakalaban kung wala akong makita? Patuloy ko lang iniinda ang pambubogbog sa akin. Hanggang sa may naiisip ako. Fight like a werewolf. Bigla kong naalala ang sinabi ni Sir Blade. That would make sense. Werewolves cannot see anything in the dark unlike us, vampires, that means, they depend on their hearing to sense where the attacks are coming from. I heightened my sense of hearing. Nakinig ako sa bawat kaluskos sa paligid ko hanggang sa narinig ko ang paggalaw ng dahon sa likod kaya agad akong yumuko. Tama nga ako. Aatake sana siya sa likod. Mas naging alerto ako. Ang kinaibahan lang ngayon, alam ko na kung saan manggaaling ang mga atake. "Ako naman." A devilish grin slowly crept in my face. Sunod sunod kong pinakawalan ng suntok at tadyak ang kalaban ko. Sa bawat naririnig kong kaluskos at paggalaw, nalalaman ko kung nasaan siya. Parang natural na sa akin ang pakikipaglaban kahit alam kong ngayon ko lang to ginawa. So this is what it feels like to fight in the dark. Maya maya pa, hindi ko na siya maramdaman sa paligid. Tinanggal ko na ang blindfold ko and to my surprise, wala na ako sa gubat. Nandito na ako sa labas ng glass stage na yun. Nakikita ko pa rin ang ilan kong classmates sa loob ng glass. Lahat sila may blindfold pa at mukhang hirap na hirap na. "Sh*t." Nasa harap ko na pala si Stephen. Wala na rin siya doon sa stage. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Kitang kita ko ang pag-aalala niya. From the looks that he sends me, I can sense his concern and uneasiness. Tiningnan niya ako at mukhang sinusuri niya kung may galos o sugat ako. "Are you okay? May masakit ba sayo? Oh sh*t. I should've cancel---" Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Alalang ala siya sa akin. Bakit naman siya mag-aalala sa akin? Needless to say, I smiled at his gesture. He definitely cared. Patuloy pa rin siya sa pagcheck kung may sugat ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. His arms are around me. Ano ba ang gagawin ko? I felt a tingling sensation in my stomach, like rumbling butteflies. I was in daze, stunned but happy at the same time. I'm scared. What if I fall for the King? I can't let that happen. My arms moved involuntarily and I hugged him back. Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin and I just enjoyed the moment. I know it's wrong but it just felt so right. "Ehem." Agad akong bumitaw kay Stephen. Nagpipigil ng tawa si Blake habang nakangiti naman sila Andy, Joannie, Angeli, Carmela at Adela. Wait. Omysoh. Fiancèe ni Stephen si Adela. Baka kung anong isipin niya sa amin. "Adela, uhm. Its---this--is nothing. Sorry talaga." Nauutal na sabi ko. Natawa lang si Adela sa inasta ko. Hindi ba siya nagagalit na kayakap ko ang fiancè niya? How weird. O baka naman normal na kay Stephen ang mangyakap? ***** Inexplain sa amin ni Sir na habang nandoon kami sa stage na yun, napasailalim kami sa illusion. At tama nga ako. Fighting like a werewolf meant that we should use our sense of hearing since we can't use our sense of sight. Sa oras daw na mafigure out na namin ang lesson na yun at natalo na namin ang kalaban namin, makakalabas na kami sa illusion. Sa case namin, ang unang nakalabas ay si Stephen sunod si Blake at Andy at pang apat ako. Nabigla rin ako. Nauna pa pala ako sa iba. Wala rin kaming naging galos kasi nga illusion lang yun though we felt real pain. Sa wakas ay natapos na ang class ni Sir. Niyaya ako nila Carmela na sumabay sa kanila sa dining hall at sumama naman ako. Meron pa bang mas bobongga sa Grayson Academy? The dining hall is grand. Tables are clothed with golden linens. The walls are painted cream and the large chandelier at the center outshone every object in the room. The students even matched the grandioseness of the dining hall. Parang hindi na ito eskwelahan parang palasyo na ito para sa maharlika. "Let's go, our table is over there." yaya ni Carmela Nauna na sila at sumunod ako. Napatigil ako sa paglalakad dahil narinig ko ang boses ni Sheila. Napalingon ako tumawag sa akin. "May!" tawag niya Papalapit si Sheila sa akin. Buti naman at nakita ko na siya. "Shei!!" "Tara dun sa table namin. Andun na si kuya Raven. Hinihintay ka na niya." Napasulyap ako dun sa table na tinuro niya. Andun nga si Raven. Pinagtitinginan pa nga siya ng ilang babae na kalapit ng table niya. "Kasi--" Ieexplain ko na sana na niyaya na ako nila Stephen kaso biglang dumating si Angeli. "May tara na." sabi ni Angeli Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kanino ba ako sasama? Werwolves or Vampires? "I have a better idea." sabi ko Nakakunot ang nuo nila sa sinabi ko. "Let's have dinner together. Isang table na lang. Sama sama na tayong lahat. Total malaki naman ang table dito. That would be fun right?" suhistyon ko "Oh that would be fun. The Vampire King and the Alpha in one table. Hmm. It would be really fun indeed." wika ni Angeli Ano ba ang problema pagmagsama si Raven at Stephen sa isang table? ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD