Chapter 8

2258 Words
-May- "...and I welcome you, to Grayson Academy, the school for all immortals." Tipid na ngumiti si headmaster Vladimir saka naglakad pabalik sa upuan. Kakatapos niya lang ihatid ang kanyang mensahe bilang headmaster ng Academy. Tumayo naman kaming lahat at nagpalakpakan. Andun rin si Raven at Stephen sa entablado. May katabi pa silang isa pang lalaki na gwapo rin. Ang ganda nga ng bughaw niyang mata. Ayon sa narinig ko, siya daw ang head warlock. Narinig ko pa nga ang ilang bulungan ng mga kinikilig na vampires, witch at werewolves patungkol sa kanila. "Ang hot ni King Stephen!" bulong nung nasa harap ko. "Sa'yo na si King! Akin ang Alpha! Omygosh Raven!" sabi naman ng katabi nito. "Mas type ko ang head warlcok. Kyaah! Ang cute ni Charles! Kaso girlfriend na niya si Carmela eh. Sad life. Huhu." Hindi na ako nakinig sa kanila at kinausap ko na lang si Sephira. Pinagnanasaan pa nila yung tatlo. Hay. Hindi ko naman sila masisisi. "Bakit kaapelyido ng hari si headmaster Vladimir?" tanong ko kay Sephira. Umupo na ulit kami habang inuumpisahan ng nymph na si Erie ang pagbabasa ng rules. Nagtataka lang ako dahil napansin ko na tinawag siyang Vladimir Grayson kanina. Kaano-ano kaya siya ni Stephen? "Kasi siya ang tatay ng hari. Headmaster Vladimir Grayson is the former king," sagot ni Sephira. "Kaya pala," tangi kong naisagot. Nakinig na lang muna kami ni Sephira kay Erie dahil ngayon ay dinidiscuss niya na ang pinakaimportanteng rule. "This school is built to strengthen the bond with all races, and therefore, the most important rule of this institution is to respect each other and always avoid unnecessary feud or quarrels. All of us should get a along, like we are one." Nagsilabasan na kaming lahat sa Grayson hall at dumiretso sa Arch kung saan naroroon ang classrooms namin. *** Tiningnan ko ang class schedule ko. Kasama ko pa rin si Seph at naniningkit rin ang mata niya sa class schedule niya. Sa laki nitong Arch, nahihirapan na talaga kaming hanapin ang classroom namin para sa first class. Wala na rin kasi kaming pixie guide. Vampire Classes ◆ Vampire History ◆ Combat Skills ◆ Ancient Spell ◆ Special Ability Training General Classes ◆ Social Dances ◆ Music ◆ Arts ◆ Foreign Language Yan ang nakasulat sa schedule ko. Kailangan kong hanapin kung saan yung Vampire history na classroom kasi yun ang first class ko. "Seph, ano first class mo?" Imbes na sagutin ako ay binigay niya sa akin ang sched niya. Witchcraft Classes ◆ Potion Making ◆ Broom Riding ◆ Wand Forging ◆ Spell Casting General Classes ◆ Social Dances ◆ Music ◆ Arts ◆ Foreign Language "Pareho pala ang general classes natin." "Yeah. Sama sama na daw tayo diyan eh. Per unit daw." "O siya, tara na. Hanapin na natin ang class natin." Hinigit ko siya at sabay naming hinanap ang class namin. Sa kabutihang palad, nakasalubong namin si Light at sinamahan niya kami sa klase namin. Nagpaalam na rin si Sephira at dumiretso na sa class niya. Kinakabahan ako pero unti unti rin akong humakbang papasok sa classroom. *** Pinihit ko ang doorknob at pumasok na. Agad akong natumba nang naramdaman kong may tumulak sa akin mula sa likod. Napasalampak ako sa sahig ng classroom dahil sa lakas ng pagtulak niya sa akin. Hindi ko kasi namalayan na may nakasunod pala sa akin. Ano bang problema nito? Ang laki naman ng pintuan bakit kailangan niya pang manulak? Nagmamadali ba siya? Tumayo ako at  hinarangan ang babaeng nanulak sa akin. Maganda siya. Mas matangkad din siya sa akin siguro dahil sa pagkataas taas niyang takong. Sa tindig palang, alam ko na agad na isa siyang spoiled brat. She folded her arms and stared at me with disgust. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin na mas lalong kinainis ko. "Why are you looking at me at like that? And FYI, nakaharang ka sa daan ko." Iritang tanong niya sa akin "Say sorry." sabi ko "Why would I?" pang asar niyang tanong. "Dahil tinulak mo ako." sagot ko naman "I don't say sorry to pesky creatures like yourself. And get out of my way." mataray na sabi niya sa akin "Ga---" magsasalita na sana ako nang umalingawngaw ang tinig ni Stephen sa buong classroom. Doon ko rin napansin na pinagtitinginan na rin pala kami ng lahat ng kaklase namin. "Apologize." turan ni Stephen Hindi ko alam pero natakot ako sa tono ng pananalita niya. Wala ring nagsalita sa amin. Hinihintay lang namin ang gagawin ng babaeng nanulak sa akin. Maski siya rin ay natakot sa hari. "Fine." she said then rolled her eyes. " I'm sorry." Are you okay? sabi ng boses ni Stephen sa isip ko Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Stephen. At ang ikinagulat ko ay narinig ko ang boses niya sa isip ko. Waaah nababaliw na ako. Pero totoo talaga tong sinsabi ko. Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko si Stephen pero matalim pa rin ang titig niya sa babaeng tumulak sa akin. Wala naman siyang sinabi ah? Oh shocks. Baka nagkamali lang ako or nababaliw na talaga. "Listen,everyone.." wika ni Stephen. All our ears and eyes are on Stephen. I'm still very nervous. Alam niyo yung parang galit siya pero ang kalma niya lang? Mas nakakatakot kaya yun. "If anyone of you hurt this girl, you will answer to me." puno ng awtoridad na sabi niya sa lahat. Teka nga. Ako ba ang tinutukoy niya? O baka feeler lang ako? Girl daw. Eh ang dami kayang girl dito. Hinigit niya ako sa likod na bahagi ng classroom at pinaupo. Naupo rin siya sa tabi ko. Tig iisa kasi kami ng table at upuan sa class. At sa estimate ko, mga twenty plus lang kami dito sa isang classroom. Nakita ko rin ang matatalim na titig nung babaeng nanulak sa akin na ngayon ay naghahanap na rin ng upuan. Napansin kong kami lang dalawa ni Stephen ang nandito sa likod. Pero marami pang bakanteng upuan dito. Inirapan ko rin yung babae. Somosobra na talaga ang babaeng yan. Hindi na ako nagsalita. Hindi ko alam na ganito pala ang ugali ng mga estudyante dito. Si Sephira pa lang ang mabait na nakilala ko dito. Wala rin naman akong choice. Pinili ko ang pumasok sa school na to kaya haharapin ko ang kahit sino man, kahit mga bampira pa na walang manners. =_= ***** Bumukas ulit ang pinto. Sinundan ng mga mata ko ang kakadating lang na grupo ng bampira. Uso ba sa kanila ang liga ng magaganda at gwapo? Headturner talaga silang lahat. Kulang na lang may magplay na music sa background nila. Agad kong pinokos ang atensyon ko doon sa lalaki na inaaakbayan ang babaeng kasama niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Yun din ang lalaking nagpadala sa akin ng admission letter sa Grayson Academy. Siya yung mahangin na nagjoke na gwapo daw siya. Well, gwapo naman talaga siya medyo conceited nga lang. Pito silang pumasok sa classroom. Tatlo ang lalaki at apat ang babae. Lahat sila magaganda at gwapo. Para silang mga walking barbie dolls sa ganda at kinis nila. Dumiretso sila dito sa bandang likod pero ang ikinagulat ko ay ang pagpunta nila sa harap ng upuan ko. "You're here!" masiglang bati ng lalaking nagpadala ng letter sa akin. "Hindi. Picture ko lang to." pambabasag ko Natawa naman silang lahat sa sinabi ko. Nilipad na siguro ang common sense niya sa sobrang kahanginan. Jusko naman. Wait a minute kapeng mainit. Bakit nakapalibot sila sa upuan ko? Hala! Baka nahumaling sila sa kagandahan ko? De joke lang :P Tiningnan ko sila isa isa. Nakita ko agad yung babae sa gilid na parang iiyak na. Umiiwas rin siya ng tingin sa akin at pinunasan ang luha niya. Hala! Wala naman akong ginagawa ah? Naiyak ba sila sa kagandahan ko? Oh wait. Stop na. Ang hangin ko na. Mukhang nahawaan ako doon sa lalaking conceited. "Jo. Babe, it's okay." hinagod nung lalaking katabi niya ang likod nung babae para kumalma siya. "Sorry for that. Ako nga pala si Joannie." sabi ng babaeng umiyak kanina at inabot ang kamay niya sa akin. I immedietly like her. I can sense a feeling of familiarity towards her. Para bang matagal na kaming magkakilala. But then, imposibleng mangyari yun dahil ngayon ko lang siya nakita. "Uhm. I'm Candice May Lockheart." Napagdesisyunan kong wag ng gamitin ang apelyido ng tatay ko na Ferrise dahil mukhang Lockheart ang nakaregister sa school na ito. Kinuha ko ang kamay ni Joannie. And then I was stunned because she hugged me. She hugged me so tight like she misses me. Umiyak na naman siya. Lumapit silang anim sa amin ni Joannie at nakiyakap din. Ang weird naman ng pagwelcome nila dito. Kailangan my group hug? Buti na lang at bumitaw na sila sa pagyakap. "Tradisyon niyo ba ang mangyakap sa school na to?" sabi ko "Naah. They're just crazy." sabi ni Stephen na nasa tabi ko na naman. "Sorry. May naalala lang kaming kaibigan." sabi ng isang babae mula sa grupo. "Tama na ngang drama yan. Ako nga pala si Blake Devonshire. Ang gwapong nagbigay sayo ng admission letter." pakilala ni Mr. Conceited "Subukan mo pang dagdagan yang kahanginan mo Blake at hihiwalayan na talaga kita." sabi ng babaeng kaakbay ni Blake at saka ito inirapan. "Sweetie, wag naman. Masama na ba ang magsabi ng katotohanan ngayon?" pagmamayabang ni Blake "Kuya, pakibilad nga to sa araw hanggang sa matusta. Tsaka ihanap mo na rin ako ng bagong fiancè." Tinawag niyang kuya si Stephen. Ibig sabihin, kapatid niya tong babae? "Tss." "Stop fooling around." saway ng isa pang babae. "I'm Carmela Grayson. King Stephen's sister. Nice to meet you." Iniabot niya sa akin ang kamay niya at tinaggap ko naman. "Ako naman si Angeli Grayson. Kuya Stephen is my brother. And this conceited guy over here is my fiancè." pakilala nung babaeng kaakbay ni Blake kanina. Napatingin din ako sa isa pang lalaking hindi pa nagpapakilala. Siya ang nagcocomfort ngayon kay Joannie. Ang gaan din ng loob ko sa kanya. Parang nakita ko na siya dati pero may pumipigil sa akin para maalala kung saan o kailan ko siya nakilala. "May." he wore the most friendly and warmest smile. "I'm Andy Lee." Ngumiti ako sa kanya. Pakiramdam ko mabait siya. Bumaling naman ako sa isa pang lalaki. Siya rin yung lalaki na blue ang mata. Yung lalaki sa stage noong nagwelcome program. Gosh! Ibig sabihin siya ang head warlock? "I'm Charles Lockheart, your cousin." Nabigla ako sa narinig ko. Pinsan ko siya. Pamangkin siya ni Mom? Mas lumakas ang pakiramdam ko na wag muna dapat magtiwala kay Dad. But one thing is for sure, Charles may be one of my ticket in finding the truth. I have found one relative but I am hoping to find more. Isa na lang ang di nagpapakilala. Ang babae sa dulo na mukhang tahimik. "I'm Adela Dashkov, King Stephen's fianceè." I felt a weird pain in my chest upon hearing those words from Adela. Siya pala ang reyna ni Stephen. Tama nga naman ang hari. He already found his queen and it is Adela Dashkov. Bakit ba ganito ako kaapektado? Di ba dapat maging masaya na lang ako? I am not jealous. I am definitely not jealous. I can't be jealous. Nakikita ko si Stephen sa peripheral vision ko pero wala naman siyang rekasyon. Ang hirap niya talagang basahin. Naputol lang ang katahimikan nang magsalita ang babaeng tumulak sa akin kanina. Agad kaming napalingon lahat sa kanya. "Ate Adela?" Nilingon din siya ni Adela at unti unti itong napangiti nang makita niya ang babaeng tumulak sa akin. "Coreen!" Nakatitig kaming lahat kay Adela hanggang sa tanungin siya ni Joannie. "Adela, sino siya?" "She's Coreen Dashkov, my sister." **** -Charles- Nagpaalam ako sa kanilang lahat dahil iba ang klase ko sa kanilang lahat. Actually, I don't have any plans on attending my classes. I need to go to Luminisce Terrain to meet my mother. Now, I am sure that May is under a spell. Kailangan ko lang malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya. Pagdating ko, hinanap ko agad si Mom. Nakita ko naman siya sa study room niya at mukhang may inaaral na spell. "Mom." "Charles? Why are you here already? I thought you have classes." "I cut my classes." "Aba naman, anak. Ang tanda mo na pero naisip mo pang magcut." natatawang saad niya. "Don't worry, Mom. This will be my first and last. I just need to tell you something." "Ano yun?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi ko na sa kanya. "Buhay si May." Nakita ko ang paglandas ng luha ni Mom. She wiped her tears but failed miserably because it just kept on falling. "P--paano nangyari yun?" Maya maya ay kuamalma na siya. I explained everything to her. Sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa spell. "She can't remember anything, Mom. Kung hindi ako nagkakamali, nasa ilalim siya ng disremembering spell." Naupo si Mom. She looked really bothered. "That spell is very powerful. It can only be casted by the oldest witches and warlocks. The spell is powerful enough to take away the memory of any immortal. At hindi lang yun. Dalawang pamilya lang ang makakagawa sa disremembering spell ." "Sino?" "Tayong mga Lockheart at ang mga Charmcaster." Pinilit kong alalahanin ang lahat ng witch at warlock na kakilala ko na Charmcaster ang apelyido. Wala akong naencounter na Charmcaster. That surname is very rare. Then I remembered someone from Grayson Academy who beared that surname. Sephira Charmacaster *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD