-May-
Nakakunot ang nuo ni Raven habang nakatitig sa dala kong malaking maleta. Kakalabas ko lang ng kwarto ko at papaalis na sana ako papuntang Academy nang masalubong ko si Raven dito. Base sa itsura niya, hindi niya gusto tong gagawin ko.
"Where are you going?" tanong niya.
"Mag-aaral ako, Raven. And don't tell me what to do."
Lalampasan ko na sana siya pero hinigit niya ang braso ko. Inirapan ko siya ngunit alam kong wala lang sa kanya iyon. May gana pa siyang humarap sa akin? Sinungaling siya. Paano ko naman to pagkakatiwalaan? Hindi ako baliw para magtiwala sa kanya pagkatapos ng mga narinig ko.
"I'll drive you to school," sabi niya tapos hinigit ulit ako. Inagaw niya yung maleta ko saka siya naglakad habang hawak pa rin ang braso ko.
Nilagay niya ang bag ko sa likod ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala akong nagawa kundi sumunod. Yamot na yamot ako sa kanya ngayon pero tinititiis ko na lang.
***
Binalot ng hindi komportableng katahimikan ang naging biyahe namin ni Raven sa Academy. Ayoko rin naman siyang kausapin. Paano kung manloloko nga siya? Mali pala. Manloloko talaga siya. Sinungaling. Pati nga siguro ang pagkakaibigan namin kasinungalin lang lahat. Aminado naman ako na nasaktan ako. It hurt a lot. Pero ang tanong, ano na naman kaya ang tinatago nila sa akin?
May malaking gate na sumalubong sa amin. Kulay itim ito at ang salitang Grayson Academy ang nakatatak dito. Pumasok kami. Mayroong mahabang daan papasok. We drove down the concrete pathway. Nakalinya ang naglalakihang puno sa daan namin hanggang sa makarating kami sa pinakadulo kung saan naroon ang main building. Namangha ako sa laki ng lugar. Napakalaki ng gusali at animo'y makalumang palasyo sa panahon ng renaissance. Makikita ang disenyo sa bawat naglalakihang halagi na parang Greek inspired pillars. Mayroon ding malaking pinto na napakapino ang pagkagawa. Nakaengrave din dito ang emblem ng bawat race. Nakita ko ang mangilan ngilang estudyante na nakasuot na ng uniporme at mahahalata agad na hindi sila mga ordinaryong nilalang.
"Tara." sabi ni Raven
Sumunod lang ako sa kanya. Mukhang alam na alam niya ang lugar na to. Pumasok kami sa loob at sumalubong agad sa amin ang red carpet, high ceilings at chandeliers. Nakalinya ang mga nakaunipormeng lalaki sa bawat sulok, I suppose they are the guards. It is truly an amazing place. It is like one of those castles from books.
Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa harap ng isang malaking table. May babae doon na nakauniporme pero hindi yung katulad sa mga estudyante dahil parang isa siyang staff dito. Hindi ko maialis ang tingin ko sa dilaw niyang mga mata pati na rin ang kanyang luntiang buhok. Ang ganda niya. Ngayon lang ako nakakita ng katulad niya.
"Alpha." sabi niya sabay bow kay Raven.
Pagkatapos nun ay bumati rin siya sa akin.
"Good day, Miss." sabi niya at nginitian ako.
"Flora, find her room and make sure she settles there." agad na utos ni Raven sa babaeng tinawag niyang Flora.
"Yes, Alpha." sagot ni Flora
"Good. Take care of her. I have a meeting with the King."
Bago umalis si Raven ay tinitigan niya ako. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero isa lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Nakikita kong may malaki siyang problema.
"Mag ingat ka, May." sabi niya at tuluyan ng umalis.
Naiwan ako dito kaharap si Flora na hanggang ngayon ay hindi pa rin natitinag ang ngiti.
"Good evening. May I know your name, Miss?" tanong niya
"Candice May Lockheart Ferrise." sagot ko
May pinindot siya doon sa hologram sa table niya. Tinype niya yung pangalan ko.
"Ferrise? I'm sorry, Miss May. Wala pong Candice May Ferrise na nakaregister."
Bakit naman kaya? Kinuha ko yung letter of admission ko saka binigay sa kanya.
Binasa niya ito at bumaling ulit sa akin.
"Yes. Ms. Candice May Lockheart you are officially a student. I'm sorry for that. Eto na po ang schedule at ID ninyo. You're dorm will be in the Havensblood. It is located in the west wing."
Kinuha ko ang ID at schedule ko.
"Miss, here's the key to your room. Pagmakita mo na ang room mo, liliwanag yan. And by the way, this is your pixie guide, Light. Siya ang magtuturo kung saan ang kwarto niyo. At bibigyan niya rin kayo ng tour sa school."
Sa isang iglap ay lumitaw ang maliit na babae na may pakpak na katulad sa mga paru paro. Halos tatlong pulgada lang ang laki nito at animo'y may kumikinang na dust na nahuhulog sa kanya. Dilaw ang buhok, mata at damit niya. Omygosh. Ang cute niya!
"Hi May! I'm Light!" bati niya sa akin
"Hi!" sagot ko naman
"Sumunod lang kayo sa kanya, Miss. Welcome to Grayson Academy!" ika ni Flora
"Thank you."
****
Sumunod ako kay Light. Habang naglilibot kami sa school, napansin ko ring may mangilan ngilan na tulad ko na naghahanap rin ng room nila. Ang laki naman kasi talaga ng school. Hiwa-hiwalay pa yung buildings.
Nag umpisa ng magpaliwanag si Light ng tungkol sa school edifice.
"May pito po tayong buildings sa school na ito. Apat sa buildings ang dorms specifically for students and staff. The dorms are Havensblood for vampires, Nighthelm for werewolves, Enchantrisque for witches and warlocks at Woodflare para sa mga wood creatures na gaya namin." paliwang niya
"Wood creatures? Ano yun?" tanong ko
"Kami po ang mga nilalang na nakatira lang sa mga liblib na gubat. Sometimes we inhabit the mountains and river. I, for example, is a pixie. Ang iba naman ay nymph katulad ni Flora, at ang ilan ay woodleves. So as I was saying, apat sa building ang para sa dorm. Ang main building which is called the Arch, ang kinaroroonan ng classrooms, dining hall, music room, library at iba pa. Eto nga palang kinatatayuan natin ay parte pa rin ng Arch."
Kasalukuyan kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng Arch. Merong malaking glass na nakapalibot kaya kita ko ang ilang mga estudyante sa ibaba. Nilibot niya ako sa iba pang kwarto sa Arch. Nakita kong hindi ordinaryo ang mga kwarto dahil may mga lumilitaw na ilaw sa bawat sulok. May mga kakaibang instrumento din akong nakita sa Music Room. Lumilitaw din ang mga libro sa library at kung hindi ako nagkakamali, isang nynph din ang librarian.
Nakalabas na rin kami sa Arch. Grass ang inaapakan namin. May mga hardin din na inaalagaan ng ilang pixie. Pagtingala ko, naaninang ko ang glass na parang nagsisilbibg bubong at shield sa buong school.
"Glass ba yun?" sabi ko sabay turo sa itaas.
"Yes. The Glass Ceiling is made for the vampires. May special spell po ang glass na yan para hindi maapektuhan ang mga vampires sa sun tuwing daytime."
"Cool."
***
Naglakad pa kami. Ang laki talaga ng school. Baka kailanganin ko ng mapa dito. Sana hindi ako maligaw. :'( Dora, where art thou? :P Nandito na kami ngayon sa dalawang magkatapat na building.
"Yan naman po ang Grayson's Hall. Dyan gaganapin ang mga gatherings at events ng school. Katabi naman nito ang Training Center para sa special ability training."
Sa wakas ay nakarating na kami sa Havensblood. Iyon daw ang magiging dorm ko kasama ang iba pang bampira.
"Sa right side po ang sa female, katapat po ang sa male."
Sinundan ko si lang si Light hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pintuan. Doon din, umilaw ang susi na binigay sa akin ni Flora kanina. Binuksan ko ang pinto gamit ang susi.
"Mauuna na ako, Miss May. Nandyan na lahat ng gamit niyo." paalam ni Light
"Thank you, Light."
Nginitian niya lang ako at tuluyan ng lumipad palayo.
Namangha ako sa nakita ko. Malaki rin ang kwarto at parang kakasya pa nga dito ang limang tao. May queen sized bed, couch, study table, walk in closet at sariling bathroom.
************
Nag aayos ako ng gamit ko nang may narinig akong boses. Parang nanggagaling ito sa maliit na box na nakapatong sa study table. Boses babae ito at parang boses ito ni Flora. Ano na naman kayang magic ang ginawa nila sa box na to?
"Attention, students. Please proceed to the Grayson Hall in 30 minutes for the orientation proper. Be in your uniforms and wear your id's. That would be all. Thank you and have a nice day."
Agad akong nagbihis ng uniform, sinuot ko rin ang id ko at nag ayos ng kaonti. Dinala ko na rin ang class schedule ko at lumabas na.
Nilock ko ang kwarto ko. Pero laking gulat ko na lang, nang paglingon ko ay nakita ko ulit siya. Lahat kasi ng right side na kwarto ay may katapat sa left side na mga kwarto rin. Biglang nagkaroon ng ibang pakiramdam ang sikmura ko at parang may kumikiliti. Gosh! Nanadya ba ang mga nilalang dito? Katapat pa talaga ng kwarto ko ang kwarto niya. Suot niya ang uniporme ng Grayson Academy. Para bang bagong gising siya dahil sa medyo magulo ang buhok niya. Ayaw ko mang aminin, pero hindi ko maitatangging ang gwapo niyang nilalang. He's gorgeous but I know he's also dangerous. Ang tindig niya ay nagpapakita na siya talaga ang hari. Ang mga titig niya na parang tumatagos sa kaluluwa. He stared at me and I almost melted. Bigla na naman akong namula dahil nagflash na naman sa isipan ko ang paghalik niya. Bakit sa dinami daming estudyante dito ay si Stephen pa ang makakatapat ko? Hindi ako komportable lalo na pagnaglalapit kami. Para bang kahit isang beses pa lang kami nagkita ay may kakaibang epekto na siya sa akin. Ang kinaiinis ko pa ay hindi ko magawang magalit sa kanya kahit alam kong dapat kamuhian ko siya sa paggawa niya sa aking bampira. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
"Sabay na tayo." sabi niya
Bakas sa mukha ko ang pagkabigla nang magsalita siya. His voice is somehow familiar and I don't know why.
Wala sa sarili akong tumango at sinabayan ko siya sa paglalakad.
*****
Wala kaming imikan. Pero kahit ganun ay komportable pa rin akong kasama siya. Palagay na palagay ang loob ko sa kanya. Napansin ko rin na napapayuko ang bawat estudyanteng dinadaanan namin.
"Hala, malalate na tayo." sabi ko
Ngumiti lang siya. Oh shocks. Pati yung ngiti niya nakakatunaw. Jusko. Nakakainis na to. Nagfafangirling ako sa hari.
"A king is never late." sabi niya
"Sa bagay." yun lang ang tangi kong naisagot. Tama nga naman. Siguradong hindi pa mag uumpisa ang orientation hanggang sa wala pa siya. Tinanong niya uli ako.
"Kumusta naman ang Lycan's Cove?"
"Ganun pa rin naman. Walang nagbago. Teka nga pala, mahal na hari, nasaan na ang reyna niyo? Baka naman hinahanap ka na nun."
Bigla na lang sumeryoso ang ekspresyon niya nang banggitin ko ang reyna. Teka. Wala ba siyang reyna?
"Hindi. Hindi ganun yun. She's not looking for me. I'm the one who's looking for her."
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa oras na to. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang sinasabi niya iyon. Puno ng sinseridad ang tinig niya.
"I think she's looking for you too. One day, you will find each other. You as her king and she as your queen. Mahahanap mo rin ang reyna mo. Tiwala lang mahal na hari." wika ko at ngumiti ako sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun. Hindi ko nga alam kung tama bang makipag usap ako sa kanya. Masama ba siya? Siya ba talaga ang sumira ng buhay ko? Bakit hindi ko yun makita?
Natigil kami sa paglalakad. Tumingin siya sa akin kaya tiningnan ko rin siya. Mas lalo kong nakita ang kagwapuhan niya lalo na sa malapitan.
"No you're wrong, because I already found my queen. I'm just waiting for her return."
Napangiti ako kahit hindi ko naman alam kung bakit. Masaya ako kahit wala naman akong alam sa reynang sinasabi ni Stephen.
***
Pumasok kami sa Grayson's Hall. Naghiwalay na rin kami ng landas ni Stephen dahil doon na siya sa harap ako naman ay dito sa bandang likod. Umupo na ako. Pasimple ko ring nililibot ang paningin ko. Nagbabakasakali ako na makita si Sheila, Zach o Jake pero bigo ako dahil maraming estudyante ang narito.
"Hermica...lucidess...." rinig kong sabi ng katabi ko.
Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nagbabasa ng isang lumang libro.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya.
Nabigla naman siya sa pagtawag ko sa kanya kaya nabitawan niya ang libro niya. Kinuha ko naman ito at binigay ito sa kanya. Doon ko nakita ng maigi ang mukha niya. Itim at mahaba ang kanyang buhok, may kaputian rin at suot niya ang napakalaking eyeglasses. Maganda siya at simple lang.
"Ah...eh...spell book ko to." sabi niya
"Witch ka?" tanong ko
"Oo. Vampire ka?"
"Yup. Ako nga pala si Candice May Lockheart Ferrise, ikaw?"
Desidido na talaga akong makipagkaibigan. Ayoko kasing maging loner dito.
"Sephira Charmcaster." sagot niya (credits sa mga nagsuggest xD)
Naputol lang ang pagkukwentuhan namin nang may magsalita sa mikropono sa harap.
"Welcome students. I'm Vladimir Grayson, your headmaster."
****