-May-
Grayson Academy
School for All Immortals
To: Candice May
Good day. You are officially accepted to Grayson Academy. You shall attend all the trainings intended for you in order to enhance your natural immortal ability. Be informed that you shall always wear your uniform in school premises to be identified.
Headmaster,
Vladimir Grayson
Binaba ko ang sulat. Nabigla ako sa lalaki kanina na joker. Yung nagjoke na gwapo daw siya. But kidding aside, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa sulat na to. Akala ko ba para lang sa mga elite ang Grayson Academy? Elite ba ako? Hindi naman di ba?
Lumabas na lang muna ako ng kwarto para magpahangin at makapag isip sa mga nangyayari. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Sheila. May dala siyang malaking white box.
"Hi May!" bati niya
"Hi Sheila! Aanhin mo yan?" tanong ko
Sinabayan ko siyang maglakad.
"Uniform ko to tsaka schedule ko. Doon na kasi ako mag aaral sa Grayson Academy."
"Ganun ba?"
"Yep."
Binaba niya ang box na dala niya. Nandito na pala kami sa kwarto niya. Simple lang din ang kwarto niya. White at black lang colors tsaka may konting accent ng pink. May malaking kama, couch, coffee table at bookshelf.
"May itatanong lang sana ako." sabi ko
"Ano yun?"
"May sulat na binigay sakin. Bampira pa mismo ang nag abot sa akin. At....uhm.... admission yun sa Grayson Academy. Di kaya nagkamali sila?"
"Talaga? Patingin nga nung sulat."
"Teka kukunin ko dun sa kwarto."
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko yung sulat. Bumalik rin agad ako sa kwarto ni Sheila. Pagdating ko sa kwarto ni Sheila, nakita ko siya doon at kausap ang isang tagasilbi. May dala rin ang tagasilbi na box katulad nung kay Sheila.
"May, may nagpapadala sayo." sabi ni Sheila sabay turo doon sa box na dala dala ng tagasilbi.
"Ano yan?" tanong ko
Kinuha ko ang box sa tagasilbi. Nagbow naman ito at tuluyan ng umalis. Binuksan ko ang box at laking gulat ko nang makakita ako ng uniform. Kulay itim ito na coat, white botton up long sleeves, red neck tie at black high socks. Yung skirt naman ay checkered na kulay pula. Tapos may isa pang sobre doon. Binuksan ko rin ang sobre at nakalagay doon ang class schedule ko, kung saang dorm ako at ilan pang requirements ng school.
"May, papasok ka nga sa Grayson Academy!" sabi ni Sheila. Binabasa niya yung sobreng pinadala sa akin nung bampira.
"Ganito rin ang natanggap kong sulat mula sa Academy. Tingnan mo, may official seal pa galing sa administration ng school. Ibig sabihin nun, mag aaral ka nga sa Grayson Academy."
"Teka nga. Hindi naman ako elite ah? Bakit ganun?"
Sandali namang natahimik si Sheila. Mukhang may iniisip siya.
"I don't know what's happening, May. But if the school wants you, then you should grab the opportunity."
Napabuntong hininga na lang ako. Kapag pumasok ako sa school na yun, siguradong makikita ko ulit si Stephen. Bakit parang nahihiya ako tuwing naalala ko yung nangyari noong moonlight festival? Ganun ba talaga siya umasta? Bakit ba ganito ako kaapektado?
"Okay ka lang?"
Hindi ko namalayang natulala na ako. Kainis. Lagi na lang nagfaflashback yung nangyari samin ng Stephen na yun. Hindi talaga matanggal sa isip ko. T.T
"Hehe. Okay lang ako."
*******
Buong araw kong nakasama si Sheila. Masaya siyang kasama, may pagkafashionista at sobrang lambing.
"Nasaan pala ang kuya mo?" tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa labas. Nililibot niya ako sa village nila. May ilan pa ngang werewolf na nagugulat sa akin. Sino ba namang hindi lalo na at ako lang ang bampira dito? Gabi na pero marami pa ring werewolf na nagkalat sa labas. Karamihan sa kanila ay nasa anyong tao.
Ang Lycan's Cove ay isang village sa gitna ng gubat. Hindi ko naman magpagkakailang maganda ang lugar na ito.
"Ewan ko nga eh. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw." sagot niya
"Baka naglakwatsa lang yun. Hahaha." sabi ko sabay tawa.
Pero hindi natawa si Sheila sa sinabi ko at sa halip ay lumungkot ang ekspresyon niya. Hala! May mali ba akong nasabi?
"Si kuya.. Hindi niya alam ang salitang lakwatsa o di kaya ang maging masaya kaya imposible yang sinasabi mo. Simula nung namatay ang mga magulang namin, wala na siyang inintindi kundi ang kapakanan ng lahat ng sakop niya. Alam mo, bihira lang yang ngumiti."
Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko kay Sheila. May dahilan rin pala kung bakit ganun si Raven. May dahilan rin pala ang pagiging masungit niya. Akala ko inborn na yun eh. He is always caught up with his responsibilities and he rarely smiles. Para bang ang lungkot ng buhay niya.
"Sinisi niya ang sarili niya dahil naging mahina daw siya sa mga panahong yun. Namatay ang mga magulang namin dahil tinulungan nila ang hari ng bampira noon na pigilan ang isang vampire rogue na nagwala noon sa conference nila. Namatay ang mga magulang namin at si kuya at ang tatay ni Stephen lang ang nakaligtas. Ang alam ko, may tumulong sa kanila pero hanggang ngayon, hindi pa nila alam kung sino ang tumulong na yun."
Nakinig lang ako kay Sheila. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang buhay ng isang Raven Grey.
"Dahil wala na ang magulang namin, napilitan si kuya na maging alpha kahit bata pa siya. Responsibilidad lang ang alam niya walang laro o kahit ano pa man."
"Kaya pala ganun siya." usal ko.
"Oo. Pero sa tingin ko naman sasaya na si kuya lalo na at may tumutulong sa kanya para maging masaya."
Tiningnan ako ni Sheila habang may ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko maiwasang mamula sa sinabi niya.
"Sana nga sumaya na siya." sabi ko at nginitian ko rin siya.
****
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. Pabalik na rin naman kami sa mansion ni Raven. Nakarating na naman agad kami.
"Hi babe."
Nakasalubong namin si Jake. Niyakap naman agad siya ni Sheila.
"Sige. Mauna na ako." sabi ko
"Bye." paalam ni Jake
"Bye, May. Maghanda ka na ah. May pasok na tayo bukas." wika naman ni Sheila.
Tumango lang ako at tuluyan ng naglakad palayo.
***
Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng mansion, narinig ko ang boses ni Raven at ni Dad. Nagtatalo sila. Lumapit ako sa pinto ng study room ni Raven kung saan nanggagaling ang boses nila. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Dad at si Raven nga ang nagtatalo sa loob.
Alam kong masamang makinig sa usapan ng may usapan kaya aalis na ako. Pero napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. Lumapit ulit ako doon at dinikit ko ang tenga ko sa pinto.
"Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo!" sigaw ni Raven
"Hindi! Wala kang sasabihin!" sigaw pabalik ni Dad
"Ibalik na natin si May. Mali tong ginagawa natin." sabi ni Raven
"You're not the one to decide for my daughter's sake. Sundin mo ako, Raven. I saved you from that vampire rogue. Kung wala ako, patay ka na rin."
Nabigla ako sa narinig ko mula kay Dad. Ibig sabihin, siya ang ang nagligtas kay Raven dati. Pero ang isa ko pang kinagulat ay ang pagsisinungaling nila sa akin. Saan naman? Nagsisinungaling sila sa akin tungkol saan o kanino?
Natigil sila sa pagtatalo. Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa kwarto ko. Kailangan kong malaman ang tinatago nila Dad at Raven. Kung nagsisinungaling sila, hindi ko dapat pagkatiwalaan ang lahat ng sinabi nila sa akin.
Napatingin ako sa nakalatag na uniporme ng Grayson Academy.
Kung isa akong bampira, nararapat na pumunta ako sa Crimson Valley.
Maybe I'll find answers there.
Kinuha ko ang uniporme ng Grayson Acdemy at nagsimula ng mag impake. Mag aaral ako doon. Hindi ko na alan kung sino ang pagkakatiwalaan ko dito. I can only trust myself.
****
-Blake-
"Buhay si May."
Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nila Carmela, Angeli, Joannie, Andy at Charles pagkatapos sabihin ni Stephen na buhay ang asawa niya. Pinatawag niya kaming lahat sa palasyo at nandito kami ngayon sa dining room. Kami lang yata ni Adela ang hindi nagulat dahil nauna na naming nalaman.
Nakita ko ang panggigilid ng mga luha ni Joannie habang inaalo naman siya ni Andy.
"Paano nangyari yun kuya?" tanong ni Carmela
Ikinuwento ni Stephen ang lahat ng nangyari. Hindi sila makapaniwala pero sa huli ay naniwala na rin. Alam naman nilang hindi nakikipaglokohan si Stephen lalo na kung ito ay tungkol sa asawa niya.
"Pero isa lang ang gusto kong mangyari." sabi ni Stephen
Lahat kami, sa kanya nakatuon ang pansin.
"Umakto kayong hindi niyo siya kilala sa pagpasok niya bukas sa Academy. Kumilos kayo ng normal. Wag niyo siyang bibiglain." sabi niya
"Sigurado ka bang papasok siya bukas? Baka naman pigilan siya ni Raven." tanong ko
"Wag kang mag alala, papasok siya." ani ni Adela
"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ni Charles na ngayon ay inaakbayan si Carmela.
"Because Raven wouldn't dare stop her. Nandoon ang official seal kaya wala siyang magagawa kundi sumunod." sagot ni Adela
Tumango naman kaming lahat. At least, sigurado na ang pagpasok ni May sa academy.
"Kailan mo pa nalaman to Blake?" tanong sa akin ng fianceè ko na si Angeli. Mukhang napansin niya yata na hindi ako nagulat sa binalita ni Stephen kanina.
"Actually, matagal ko ng iniimbestigahan to, mula pa nung namatay si May, pero wala akong matibay na ebidensya kaya muntik na rin akong maniwala na patay na siya." sagot ko kay Angeli saka hinawakan ang kamay niya.
"Bakit nawala ang alaala niya?" tanong ni Andy
"Hindi ko pa alam." sagot ni Stephen
"Stephen, may napansin ka bang kakaiba sa kanya nung nagkita kayo?" tanong ni Charles
Napatingin naman kami sa kanya.
"Wala." diretsong sagot ni Stephen
"Don't you think it's weird? Bakit hindi niya tayo maalala? I mean.. she's a vampire. Hindi naman siya tulad ng mga mortal na magkakaamnesia." wika ni Charles
Natahimik kaming lahat. Oo nga. Tama si Charles. Hindi tinatamaan ng sakit ang bampira. Hindi rin kami nawawalan ng alaala. Maliban na lang kung... Sh*t. Why didn't I think of that?
"She's under a spell... or a potion may have caused this." ani ni Charles
Tama. Walang ibang makakagawa nito kung hindi ang spell o ang potion ng isang witch o warlock.
"May alam ka bang spell o potion na pwedeng ginamit kay May kaya nawala ang alaala niya?" tanong ko kay Charles
"The disremembering spell. It's an ancient spell-- conjured by the most powerful witches and warlock. Mahirap isagawa ang spell na yun dahil ang mga pinakamatandang witch o warlock lang ang nakakagawa. Potion at spell ang involve doon. Kaya nitong nakawin ang alaala ng kahit sinong imortal including vampires." sabi ni Charles
"Kung sakaling ganun nga, paano naman mawawala ang spell?" tanong ni Carmela
"Mawawala lang ang spell pag binawi mismo ito ng witch o warlock na gumawa nito."
"Edi kailangan nating hanapin kung sino mang hinayupak na yun." sabi ni Joannie.
Pakiramdam ko, tama si Charles. Yun lang ang pwedeng maging dahilan ng pagkawala ng alaala ni May. Sino naman kaya ang gagawa nito?
"Tommorow, when she comes to the school, keep your eyes on her. Kung tama nga si Charles, saka natin hahanapin ang nagcast ng spell kay May." ani ni Stephen
"You can count on us, kuya." sabi ni Angeli.
We flashed an encouraging smile to Stephen. We all know that he waited for this. He waited for the return of his wife and we will help him.