Chapter 2

1810 Words
-Stephen- I stared at Chichi. Si Chichi ang binigay kong stuffed toy sa asawa ko. I smiled at that memory. I haven't smiled much these days. Since she died, that is. "Kuya?" rinig kong tawag ni Angeli mula sa labas ng kwarto. "Come in." inayos ko ang suit ko tsaka ko siya hinarap. "Nandyan na si Raven Grey." sabi niya "Go ahead. Susunod na lang ako." "Okay, kuya." Lumabas na si Angeli. Naiwan ako sa kwarto. As much as possible, I don't want to stay here in this room. It reminds me so much about her which makes it so painful for me. Lumabas na rin ako. Pinagbuksan ako ng pinto ng mga tagasilbi. Dito kami magmemeeting sa study room. It was a casual meeting. Matagal ko rin namang kilala si Raven. Bilang siya ang tagapagmana ng werewolve's pack at ako naman sa vampire race, pinakilala na agad kami sa isa't isa noong mga bata pa lang kami. Tumayo si Raven pagpasok ko. "Good evening." sabi niya "Good evening." sagot ko Binati rin ako ni Charles na ngayon ay pinuno na rin ng mga witch at warlock. Ganun din ang mga kapatid ko at si Blake. Hindi na nakadalo sila Andy at Joannie dahil may inaasikaso pa raw sila para sa kasal nila. Yeah. Whatever. Nag umpisa na kaming mag usap. It was the usual topic. Kung ano ang gagawin sa ceremony and such. Isang linggo na lang bago ang moonlight festival. I don't know but I felt excited. It was weird for me to get excited about this festival. Maybe good things will happen. "How's the pack?" tanong ni Blake Tapos na kaming magmeeting at nag uusap na lang kami ng kaswal. Total, magkakaibigan naman kaming lahat. We are comfortable with each other. "It's fine." sagot naman ni Raven "I heard there's an additon to your pack." wika ni Blake Sandali namang natahimik si Raven. I can sense his anxiousness. Bakit naman siya kakabahan? Tinatanong lang naman siya tungkol sa bagong salta sa pack nila. "Yes. There is." sagot niya "Sino?" tanong ulit ni Blake "Not important." malaming ni sagot ni Raven. "Really?" Hindi ko alam pero parang may iba talaga sa dalawang to. Ano bang meron sa bagong salta sa Lycan's Cove? Why does Blake kept on pestering Raven about him or her? "Stop." sabi ko Tumigil naman sa pag usisa si Blake pero kitang kita ko ang pagkainis niya. "Let's just end this meeting." sabi ni Carmela "Yeah." pag sang ayon ni Angeli "Farewell, King Stephen." sabi ni Raven "And to you, Alpha." Lumabas na silang lahat sa study room kaya ako na lang mag isa. Aalis na rin sana ako nang may maaninag ako kumikinang na bagay sa ilalim ng upuan ni Raven kanina. Pinulot ko ang kwintas sa sahig. Kulay ginto ito at may bughaw na apoy sa loob ng parang hour glass. Napahigpit ang hawak ko rito. Sigurado ako na kay May ang kwintas na to. Ito mismo ang binigay kong kwintas sa kanya noong kaarawan niya. Kinuha ko ang isang red box at binigay ito sa kanya. Isa itong gold necklace na may pendant na parang hour glass. Sa loob ay may apoy. I made it for her. Using my own fire. It was my gift for her birthday. "Special ability ko ang apoy. That fire in that necklace is a part of myself and I'm giving it to you." "Thank you Stephen." Sinuot ko sa kanya ang necklace. "You're welcome, wife." (Refer to chapter 11- MATVP BOOK 1. Nandoon ang necklace scene kung hindi niyo naalala.) Paano napunta dito ang kwintas ni May? Sa pagkakalaam ko, suot to ni May lagi. Hindi niya ito tinatanggal sa leeg niya. Lalong gumulo ang utak ko. Buhay ba ang asawa ko? May kinalaman ba si Raven dito? I need to pay a visit to the Lycan's cove. I need answers. ***** -May- Mag isa na lang ako ulit sa cottage. Bumalik na ako dito pagkatapos umalis ni Raven para sa meeting niya. Hinatid ako dito ni Zach. Nagpapasama nga ako sa kanya kaso lang may pupuntahan daw siya. Ang bilin niya sa akin, bawal daw akong lumabas kaya heto ako ngayon, nakatunganga. Mahigit isang oras na ako dito. At wala akong ginagawa. "Boring!" Gusto ko na talagang lumabas. "Hay naku. Makaalis na nga. Uhaw na ko." Lumabas na ako. Wala akong pake kung mahuli ako ni Zach. Alangan namang manatili ako doon sa loob ng cottage eh kating kati na ang lalamunan ko. Hindi ko pa naman alam kung ano ang nagagawa ng bampirang uhaw. Mas mabuting maghanap na ako ng makakain. Wala akong nakasalubong na mga werewolves, di tulad kanina. Ang alam ko kasi, nandoon ang lahat ng werewolves sa mansion ni Raven para maghanda sa Moonlight festival. Ewan ko kung ano yun. Basta yun ang narinig ko sa ilang werewolves na nag uusap kanina. Naglakad lang ako ng naglakad. Wala pa akong naamoy na hayop. Nauuhaw na talaga ako. Naglakad pa ako. Palayo na ako ng palayo. "Tanga ko rin naman talaga. Edi nawawala na ako." Dala ba to ng memory loss ko at nawalan na rin ako ng common sense at sense of direction? Hay. Paano na ako babalik sa cottage? Puro puno lang ang nakikita ko dito. And worse, wala pa akong makitang hayop na pwede kong kunan ng dugo. May narinig akong kumakaluskos doon sa madilim na parte ng gubat. Inihanda ko na ang sarili ko sa anuman ang nandoon. Isang werewolf ang lumabas mula sa matatas na d**o. Nasa wolf form ito ngayon pero alam kong werewolf talaga siya. Sino kaya to? Nagbagong anyo ito. He was now in his normal form. I stared at him. Pamilyar siya. Biglang sumakit ang ulo ko. This guy... I know him. "Why are you here, May?" "Kilala mo ako?" tanong ko "Of course." "I think.. I know you too." sabi ko Ngumiti lang siya sa akin. Pati ang ngiti niya pamilyar rin. I've seen him before. I know it. "I'm James." "James Aaron Falcon." bigla ko na lang nasabi Hindi ko alam saan ko nakuha ang sinabi ko. Maski ako ay nabigla rin. Now, I'm a hundred percent sure that I know him. "Yes, May. I'm James Aaron Falcon." ***** Hinatid ako ni James pabalik sa cottage. Binigyan niya rin ako ng dugo ng usa kaya napawi na rin ang pagkauhaw ko. Sinubukan ko rin siyang tanungin tungkol sa past ko pero napapansin kong iniiba niya ang topic. Mukhang ayaw niyang sabihin sa akin. Bakit kaya? "Sige, pumasok ka na." "Sige." Pumasok na ako sa cottage pero laking gulat ko nang makita ko si Raven na nakatayo sa tapat ko mismo. Nakabalik na pala siya. Akala ko may meeting siya dun kasama si Stephen. "Where have you been?" agad niyang tanong "Ah.. kasi.. nanghunting ako. Nauuhaw kasi ako eh." sagot ko Aalis na sana ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. Bigla akong kinabahan lalo na at ang lapit niya sa akin. Hindi niya rin inaalis ang titig niya sa mga mata ko. Hindi rin ako makapagsalita. "Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa lahat?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko. We are inches apart and I can feel his breath. I can also smell his musculine scent. "Ayaw ko na pinag-aalala ako." Pinag-alala? "H--ha?" "I'm worried sick, May. Bakit ka ba lumabas ha?" "Bakit ka ba nag aalala?" Tumahimik siya bigla. It seems like my question caught him off guard. Sa wakas ay lumayo na siya sa akin. He stroked his messy hair with his hand. Now I see that he is quite tired. "Wag mong ibahin ang usapan. Responsibilidad kita kaya nag aalala ako. Now, back to my question. Why the hell did you go out?" "Paulit ulit ka rin eh. Di ba sabi ko sayo, nanghunting ako dahil sa uhaw ko?" "Don't ever do that again!!" sigaw niya "Wag ka ngang sumigaw. Hindi po bingi ang kausap mo." Minasahe niya ang sentido niya. Kitang kita ko na naiinis na siya sa akin. Pake ko ba? Eh siya naman ang nauna? Porke gwapo siya, kailangang magsuplado rin? Aba! "You're a difficult woman." ani niya "You're control freak." sabi ko naman "Let's go." Hinigit niya ako palabas ng cottage. Ano bang problema ng lalaking to? Ang sarap bangasan eh! "Ano ba!? Saan mo ba ako dadalhin?!" sigaw ko "Your staying with me." sabi niya Mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa braso ko at mas binilisan niya pa ang paglakad niya. "Bwiset kang aso ka!!!!!!!!" sigaw ko sa kanya Sa wakas ay tumigil na rin siya sa paglalakad. Ang sama ng tingin niya sa akin. Parang papatayin niya na ako anumang oras. "Anong sabi mo?" Sinamaan ko rin siya ng tingin. Kala niya naman madadala ako sa titig niya. "Bingi ka ba o bingi ka? Sabi ko, bwiset kang aso ka!!" "Ganun ha?" Nabigla na lang ako ng buhatin niya ako na parang sako. "Waaaaah! Ibaba mo ako! Papatayin talaga kitang aso ka! Kahit makasuhan pa ako ng animal cruelty!" "Shut up! Or I'll drop you!" Tumahimik na lang ako hindi dahil sa natakot ako sa banta niya kundi dahil sa pagod na akong magpumiglas na wala namang epekto sa kanya. Sayang lang sa effort ko. Nakarating na kami sa mansion niya. Binati naman siya ng mga kasambahay. Nagulat pa nga ang lahat dahil sa buhat niya ako. Sino ba namang hindi magugulat king parang sako lang ako dito? Dire-diretso lang siya sa paglakad hanggang sa tumigil siya sa isang pintuan. Binuksan niya ito at pumasok kami. Sa wakas ay binaba niya na ako. "From now on, this will be your room." Umalis na siya. Sinarado niya ang pinto at naiwan akong mag isa sa malaking kwartong ito. Kakakilala ko pa lang sa Raven Grey na yun pero nag aaway na agad kami. Paano pa kaya pagtumagal? Baka mag World War III na. **** Hindi ako natulog. Siguro ay hindi naman natutulog ang mga bampira. Nakapagpahinga naman ako ng maayos kaya matapos kong maligo ay lumabas na ako sa kwarto ko. Habang naglilibot ako sa mansyon ay napansin ko agad ang pagkataranta ng mga tagasilbi. Parang may importanteng bisita yata sila. "Nandito daw ang hari ng mga bampira." "Napakaunexpected naman ng dalaw niya." "Si King Stephen! Bilisan niyo. Maghanda kayo." Yan ang naririnig ko mula sa kanila. Si Stephen pala ang hari ng mga bampira. Wait. Pwede ko kaya siyang tanungin tungkol sa pamilya ko? O di kaya pwede kaya akong humingi ng tulong sa kanya para kilalanin kung sino talaga ako? Kinalabit ko ang isang tagasilbi. "Ate, nasaan po yung hari?" tanong ko "Nasa living room sila ni Sir Raven." "Ah. Sige thank you." Halos patakbo akong tumungo sa living room. Bakit kinakabahan ako? I should be nervous. He's the vampire king after all. But it's weird that I felt the need to see him. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD