-Sephira- Marahan kong kinatok ang silid ni Mama. Mula nang malaman kong tinatago niya si Tita Serene, hindi na kami nakapag-usap ng maayos dahil sa pagtatampo ko. Binuksan ni Mama ang pinto. Nagulat pa siya noong nakita niya ako. Hindi niya rin siguro inaasahan na kakausapin ko siya ngayon. Isang linggo na rin mula nang makausap niya ako. Kahit sa iisang bubong lang kami, hindi kami nagpapansinan. Nainis ako sa kanya dahil sa pagtago niya kay Serene. Nainis ako dahil hindi niya manlang sinabi sa akin. But I know that I'm being a hipocrite. Dahil maski ako, may tinatago rin naman kay Mama. May sekreto rin akong halos isang daang taon ko ng tinatago. At ngayon na siguro ang panahon para sabihin ko ito. Malapit na ang delubyo at alam kong isa ako sa may kasalanan kung bakit mangyayari ito

