-Third Person- 1996 Nalasan ni Caleb ang sarili niyang dugo nang saksakin siya ng lalaking nakamaskara. Nararamdaman niya na ang panghihina at sakit. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin pero iniisip niya pa rin ang kanyang mag-ina. Kailangan niyang makaligtas. Kailangan niyang protektahan ang asawa niya pati na rin ang kanilang nag-iisang anak. Ngunit paano siya lalaban sa kalagayan niya ngayon? Narinig niya ang mga yabag ng lalaki. Nakaalis na ang lalaking nakamaskara. Napakuyom siya lalo na at nakita niyang dinala nito ang anak. Wala siyang naggawa hanggang sa bumagsak ang pinto at nawalan na siya ng malay. Tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. ***** Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Nakatayo siya sa kawalan. Nababalot ng dilim at usok ang paligid. Wala rin siyang

