***Stacey POV*** TAHIMIK kami parehas ni Bryce sa loob ng sasakyan. Walang kangiti ngiting nagmamaneho sya habang ako naman ay kunwaring abala sa cellphone. Pasulyap sulyap ako sa kanya. Bumuntong hininga sya at sumulyap sa akin. Bigla naman akong nag iwas ng tingin at ngumuso. "Wala ka man lang bang sasabihin?" "A-Anong sasabihin ko?" Ngumisi sya pero bakas pa rin sa mukha ang inis. "Hindi ka magpapaliwanag sa akin kung bakit may contact pa rin kayo ng Charles na yun?" Lumunok ako. "F-Friends kami ni Charles kaya may contact pa rin kami sa isa't isa.." "Friends? Minsan nang nanligaw sayo yun." "Eh ano naman? Di ko naman sya sinagot.." Marahas syang bumuntong hininga. "Pero hindi ka na rin dapat nakikipaglapit sa kanya. Sinabihan ka na ng uncle mo di ba? You already know hi

