***Stacey POV*** "PASENSYA ka na sa bahay namin, iha. Lumang luma na ito." "Naku, ayos lang po tita. Lumang style lang naman po itong bahay nyo pero maganda at preskong presko po." "Sinabi mo pa, iha. Malamig dito sa loob ng bahay kahit walang aircon." Tumango tango ako habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay. Malayong malayo ang hitsura nitong bahay sa mansion. Pero mas gusto ko dito. Simple lang, tahimik at presko. "Ma, iaakyat ko lang sa taas ang mga gamit namin ni Stacey." "Sige anak, isama mo na si Stacey para makita din ang taas." Sumunod na nga ako kay Bryce paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Mas presko nga sa itaas dahil pumapasok ang sariwang hangin mula sa mga malalaking bintana. Lumapit ako sa isang bintana at tumanaw sa labas. Kitang kita ko ang luntiang

