***Floreza POV*** PAKANTA kanta ako habang in-spray-an ng tubig ang mga orchids. Natutuwa ako dahil halos lahat sila ay may mga bulaklak na. Ang iba naman na bago kong tanim ay may umuusbong na ring bulaklak. Stress reliever ko talaga ang mga bulaklak. Kaya kahit sinasabi ni Remus na hindi ko na kailangan magtrabaho dito sa garden ay ginagawa ko pa rin. Ang paghahalaman ang hinding hindi ko maiiwan. Simula nga ng maging kami ay sinabihan nya ako na huwag ng kumilos dito sa mansion para hindi raw ako mapagod. Hindi ko sya sinusunod. Hindi porke't kami na ay magbubuhay prinsesa na ako dito sa mansion. Bukod sa sanay akong may ginagawa ay ayokong mag iba ang tingin sa akin dito ng mga tao. Ayokong isipin nila na nagbago na ako dahil hinding hindi ako magbabago. Ako pa rin ang dating Florez

