[WARNING❗ SLIGHT SPG❗] ***Floreza POV*** "HAH!" Habol ko ang hininga ng pakawalan ni Remus ang labi ko sa mapusok na halik. Mas mapusok at mapang angkin ang paraan ng halik nya ngayon kesa sa mga nauna nyang halik. Bumaba ang labi nya sa panga ko at leeg. Doon naman nya ako pinaulanan ng halik. Kumagat labi ako at umalpas ang impit na ungol sa labi ko ng marahan nyang kagatin ang sensetibong balat ng leeg ko. Kakaibang init naman ang aking nararamdaman. Init na para akong nilalagnat. Lalo pa at nakadagan sa akin ang malaking katawan ni Remus. Bagaman hindi naman nya binubuhos ang buong bigat sa akin. Ang sabi nya kanina ay wala kaming ibang gagawin kundi matutulog lang. Pero heto sya ngayon at pinapapak na naman ako ng halik. Umakyat muli ang halik nya sa labi ko. Tumugon naman a

