***Floreza POV*** BUMUNTONG hininga ako habang nag ti-trim ng mga halaman dito sa garden. Walang pasok ngayon sa school dahil holiday kaya tinutulungan ko na lang si Tatay Rogelio dito sa garden. Pero wala naman sa mga halaman ang isip ko kundi kay Tiyong Cesar. Isang linggo na nung huli kaming magkita sa school. Sobra na akong nag aalala sa kanya. Kung bakit kasi di ko nahingi ang number nya. Eh di sana natatawagan ko sya. Kamusta na kaya sya? Sana naman ay walang nangyaring masama sa kanya. Sana ay nakatakas sya at nakalayo sa grupo ni Ka Mando. "Floreza, anak." "Po, tay?" Lumingon ako kay Tatay Rogelio. "Parang ang lalim ng iniisip mo, anak. Kanina pa kita tinatawag." Ngumiwi ako. "Pasensya na po, tay. May iniiisip lang po.." "May iniisip ka ba o masama ang pakiramdam mo? S

