***Third POV*** PAIKA ikang naglalakad si Cesar at hinang hina na. Inabot na sya ng umaga makarating lang sa lugar na ito. Pagod na pagod na ang kanyang katawan at anomang sandali ay papanawan na sya ng ulirat. Pero hindi pwedeng hanggang dito na lang sya. Kailangan nyang makita ang pamangkin at makausap. Ito na lang ang makakatulong sa kanya. Lumapit sya sa malaking gate at tumingala sa matayog na mansion na pag aari ng mga Gallardo. Dito nakatira ang kanyang pamangkin. "Sino ka?" Tanong ng isang security na lumapit sa gate. Kasunod nito ang isa pa. Sinuyod sya ng mga ito ng tingin. Humawak si Cesar sa railing ng malaking gate. "B-Boss, nadyan ba si Floreza?" Kumunot ang noo ng dalawang lalaki at nagtinginan. "Bakit? Anong kailangan mo kay Floreza?" "T-Tiyuhin nya ako. Gusto k

