Chapter 89

1659 Words

***Floreza POV*** "A-ANONG nangyari sa kanya Remus? S-Sinaktan mo ba sya?" Naningkit ang mata ni Remus. "Sa tingin mo magagawa ko yan sa kanya?" Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kanya. Ayokong sagutin ang tanong nya. Pero matindi ang galit nya sa mga katulad ni Tiyong Cesar. Marahas syang bumuga ng hininga. "Well.. sad to say, di ako ang gumawa nyan sa kanya. Dumating lang sya sa labas ng gate kaninang umaga na paika ika at sugatan. Hinahanap ka at humihingi ng tulong sa akin." Nakahinga ako ng maluwag. "S-Sorry.. akala ko.. ikaw ang gumawa nito sa kanya." "Kung ako ang gumawa, magagalit ka sa akin?" "O-Oo.. pero maiintindihan ko dahil galit ka sa kanya." Bumuntong hininga sya. "To tell you frankly, muntik ko na syang barilin kanina." Napasinghap ako sa sinabi nya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD