Chapter 81

1507 Words

***Floreza POV*** NAGING mabilis nga ang proseso ng kasal namin ni Remus. Wala nga akong inintindi ni isa dahil sya ang kumilos sa lahat maging sa papers ko. Kung paano nya ginawa? Sya lang ang nakakaalam. Marami syang konekdyon kaya madali lang yun sa kanya. Ang tanging ginawa ko lang ay mag isip ng isusuot ko sa kasal. Simpleng dress na puti lang ang suot ko na lampas hanggang tuhod ang haba. Keyhole ang neckline nito. Hakab sa pang itaas kong katawan ang dress at pagdating sa balakang ay diretso na ang tabas. Simpleng simple lang talaga. Ang buhok ko naman, si Bia ang nag ayos pati make up ko. Naka bun ang mahabang buhok ko na may nakalawit na ilang hibla ng buhok. Thai make up look naman ang in-apply ni Bia sa mukha ko. Manipis na make up lang yun at gustong gusto ko ang hitsura ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD