***Remus POV*** "TELL me Remus, ano ba talaga ang plano mo at bigla bigla ay nagdesisyon kang pakasalan agad si Floreza?" Tanong ni Lolo Mariano. Inalog ko ng bahagya ang basong may lamang alak at sinimsim ito. "Ayaw nyo ho bang makasal ako, 'lo?" "Alam mong yan ang pangarap ko sayo, apo. Matagal ko ng kinukulit yan sayo. Syempre, masaya ako na sa wakas mag aasawa ka na. Pero nahihiwagaan lang ako dahil napakabilis ng desiyon mo. Ano ba talaga ang nasa isip mo?" Bumuntong hininga ako at umupo sa single couch. Nilapag ko sa center table ang baso ng alak at tinukod ang dalawang siko sa magkabilaang tuhod. "Pakakasalan ko na agad si Floreza dahil ayoko hong maagaw sya sa akin ng iba. Maraming mga lalaking kasing edad nya ang umaaligid sa kanya at naghihintay lang ng pagkakataon na ma

