***Bryce POV*** AGAD akong tinulak ni Stacey sa dibdib. Namumula ang kanyang pisngi. "Stacey -- " "D-Don't talk to me!" Tinalikuran nya ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Napabuntong hininga naman ako pero ang dibdib ko ay malakas pa rin ang kabog. Pero at least ay hindi na sya nagpumilit bumalik sa mga barkada nya. Sumakay na rin ako sa front seat ng sasakyan at kinabit ang seatbelt. Tiningnan ko si Stacey sa rearview mirror. Nakahalukipkip sya at nakatingin sa labas ng bintana. Tiningnan ko ang driver at sinenyasan na paandarin na ang sasakyan. Simula ng gabing yun ay hindi na naalis sa isip ko ang kabanguhan ng dalaga pati na ang kalambutan ng katawan nya. Gabi gabi na rin syang laman ng isip ko at napapanaginipan pa. Lalo ring tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya sa pagl

